• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Sexbomb dancer Louise Bolton admits she has plans on marrying her lesbian lover

Former Sexbomb dancer Louise Bolton admits she has plans on marrying her lesbian lover

Currently, Louise and her beau Nathalie Danielle Padilla are living in together.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/28/2016 1:45 AM
Former Sexbomb dancer Louise Bolton admits she has plans on marrying her lesbian lover


112816-LouiseBolton_PUSH.jpgMasayang inamin ng dating Sexbomb dancer na si Louise Bolton na siya’y may karelasyon na lesbian at ito ay si Nathalie Danielle Padilla o mas kilala bilang Dan. Si Dan ay isa rin sa mga contestants ng segment ng It’s Showtime na That’s My Tomboy noong 2015.

Noong una ay nag alinlangan pa si Dan na i-out ni Louise ang kanilang relasyon dahil baka raw “masira ang pangalan” ni Louise.

“Si [Dan], ayaw niyang i-out, kasi baka raw kasi masira ang pangalan ko," pahayag ni Louise sa PEP.ph.

"Sabi ko, hindi. Kasi kung mahal ka talaga ng mga sumusuporta o ng mga fans mo, kahit anong gawin mo tanggap ka nila. So kung may magba-bash man, hindi ko mga followers yun,” dagdag niya.

Bagamat dalawang buwan pa lamang silang nagsasama, seryoso na ang lagay ng kanilang relasyon. Bukod na sila ay live-in partners na, napag-uusapan na rin daw nilang magpakasal.

"Hopefully, next year, sa anniversary namin or birthday ko,” ani Louise.

Balak din daw nilang magka-anak gamit ang sperm ng kapatid ni Dan.

"Ang gusto niya kasi sa kuya niya, hihingi lang kami ng sperm, ganun din ako. Pero parang wala sa pinsan kong mga guwapo,” sambit ni Louise.

"Parang yung egg cell niya at yung sperm ng kuya ko. Yung egg cell ko sa akin at yung sperm galing sa side niya, para pareho naming kadugo,” paliwanag ni Dan sa parehong interview.