EXCLUSIVE: Nikko Natividad finally owns his dream car

Nikko also shares when he and McCoy De Leon will be continuing their Pinoy Big Brother journey.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2016 1:49 AM
EXCLUSIVE: Nikko Natividad finally owns his dream car


112816-NikkoNatividad_PUSH.jpgMasayang ibinalita sa Push.com.ph ni Hashtag Nikko Natividad na nakabili na siya ng sariling sasakyan na galing daw sa mga naipon niya mula nung naging Hashtags member siya.

“Nabili ko na po yung dream car ko na Montero. November 23 ko po siya nakuha. Kulay silver po yung Montero at sobrang saya ko po,” masayang-masaya niyang pahayag.

“Yon naman pong sasakyang binili ko, hindi naman po basta luho, eh. Kailangan ko rin naman sa trabaho, pag may raket ako, at least hindi na ako nagre-rent ng van. Pero ako lang muna ang nagda-drive kasi hindi ko pa kayang kumuha ng driver,” dagdag pa niya.

Pagkatapos mabili ang dream car, target naman ni Nikko ang makabili rin ng lupa.

“Mag-iipon ulit ako at sana lupa naman ang mabili ko. Masaya naman ako na nagre-rent sa condo, malungkot lang kasi hindi napupunta sa akin yung binabayad ko buwan-buwan.

“Bayad ako nang bayad, almost one year na akong nagre-rent pero hindi naman ako naiinip kasi malakas ang pakiramdam ko na tatagal pa naman ako dito (showbiz) at tatagal pa naman ang buhay ko,” sambit pa ni Nikko.

Samantala, ibinalita din ni Nikko na sa January 2017 ay muli silang papasok ni McCoy de Leon sa “Pinoy Big Brother.”

“As one kami ni McCoy at maglalaban-laban pa kami next year. May napili na sa teens, tapos ngayon, kung sinong mapili sa regular (housemate) maglalaban-laban pa. Isa lang kasi ang mananalo sa amin (celebrity, teen at adult).

“Siyempre, hoping akong manalo at laging kong sinasabi na gusto kong manalo talaga, pero kutob ko kasi baka paghiwalayin kami ni McCoy diyan, eh, baka may twist na mangyari,” hula ni Nikko.

After maging PBB celebrity housemate, aminado si Nikko na nakaramdam talaga siya ng malaking pagbabago.

“Sobra. Bukod do’n sa dumami talaga yung following ko, pag nakikta ako ng mga tao ang tawag lang sa akin, ‘si Hashtag, si Hashtag,’ ngayon Nikko na. Alam na yung personality ko na komedyante, na may anak na, ayun natutuwa ako na kilala na ako na ganu’n,” masaya niyang pahayag.

Si Nikko ay ilan lang sa mga celebrities na nag-perform sa birthday concert ni Michael Pangilinan sa Raja Sulayman Park noong Nov. 26. Kaibigan ni Nikko si Michael dahil iisa lang sila ng manager – ang DZMM anchor na si Jobert Sucaldito.

Amen ???? Salamat po Lord

A photo posted by Nikko Seagal Natividad (@hashtag_nikko) on