• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: ‘Kabisera’ director Real Florido talks about working Nora Aunor

EXCLUSIVE: ‘Kabisera’ director Real Florido talks about working Nora Aunor

‘Kabisera’ director Real Florido feels vindicated after their fim made the MMF top 8.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2016 10:09 AM
EXCLUSIVE: ‘Kabisera’ director Real Florido talks about working Nora Aunor


112716-MMFFKabisera_push.jpgExclusive natin nakausap ang young filmmaker na si Real Florido na direktor ng Metro Manila Film Fest entry na Kabisera kung saan bida ang Superstar na si Nora Aunor. Malaking bagay para kay Real na mapasali ang kanilang pelikula sa MMFF na di nila inaasahan.

"Matagal din naming pinagtrabahuhan ang pelikulang ito. Napakaraming pinagdaanang challenges sa production. Nung malaman kong pumasok kami sa MMFF magic 8 una ko agad naisip yung mga kasama kong gumawa, nagtrabaho at nagpuyat para matapos ang pelikula. Nasabi ko sa sarili ko na sigurado akong bawi na kami sa lahat ng pagod at hirap. I also feel Kabisera was vindicated after our first try to be part of MMFF in 2015. Napakasarap isipin na ngayon ay mapapanood na ang Kabisera ng maraming Pilipino kasama ng kanilang pamilya."

Sa major changes naman na nagaganap sa MMFF, ipinahayag ni Florido na malaking oportunidad ito para sa mga baguhang filmmakers at producers gaya niya.

"It's a bold move. And I salute the committee for upholding the festival rules. MMFF is a good venue para i-showcase ang galing nating mga Pilipino sa pag-gawa ng pelikula sa kapwa natin Pilipino. Magandang oportunidad ito para ma-promote natin sa loob ng bansa ang kakayahan nating makapaghatid ng bagong kuuwento."

Sa nag-trending na usapin na kumento ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde sa pagpasok ng indie movies sa MMFF, nag lecture naman ang batang direktor.

"Linawin po natin, ano ba ang ‘indie film’? Indie film means independently produced film, yung mga pelikulang hindi gawa ng malalaking studios. Ibig sabihin pwedeng independently produced pero para sa mainstream audience. Baka meron lang tayong misunderstanding tungkol sa indie film. It's about time na ipatindi sa mga kababayan natin na ang isang pelikulang mainstream ay pwedeng gawa ng independent production company.”

Bilang isang baguhang direktor na nahawakan si Ate Guy sa ikalawa niyang pelikula, hindi malilimot ni direk Real ang naging experience.

"I thought Nora Aunor being the Superstar that she is would be effortlessly intimidating, lalu na it's my second film pa lang. But all my qualms about working with the Asian queen of cinema vanished after our first meeting. She was way too simple and polite. Pero pag take na, nag-transform. I was floored."

At gaya ng karamihan sa mga gumagawa ng pelikula, nais ng grupo ng pelikulang Kabisera na kumita ang kanilang pelikula.

"Yes, definitely. Para makagawa uli kami ng bagong pelikula. Achievement po yan para sa kahit sinong filmmaker/producer," pagtatapos ng direktor

Main Photo credit to Kabisera Sunday Beauty Queen FB Page