• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla’s Black Team takes home the trophy at the Kapamilya Playoffs

Daniel Padilla’s Black Team takes home the trophy at the Kapamilya Playoffs

Daniel Padilla’s team beat Gerald Anderson’s team by 3 points.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2016 2:24 AM
Daniel Padilla’s Black Team takes home the trophy at the Kapamilya Playoffs


112816-Playoffs_PUSH.jpgPresent at dinaluhan ng mga bituin ng Star Magic ang naganap na all-star basketball Kapamilya Playoffs kagabi sa MOA Arena.

Todo cheer ang hiyawan para sa dalawang grupo na pinamumunuan ni Daniel Padilla sa Black Team at Blue Team naman ang grupo ni Gerald Anderson.

Present din para sumuporta ang mga malalapit na kaibigan at mga kapwa Star Magic artists nila na sila Julia Baretto, Joshua Garcia at mga malalapit sa puso ni Daniel at Gerald na sina Bea Alonzo at Kathryn Bernardo.

Sumuporta din si Kim Chiu para sa kanyang ka-love team na si Xian Lim na naglaro sa grupo ni Daniel.

Naging mainit ang labanan ng dalawang grupo, na mula first at second quarter ng game ay lamang at nangunguna ang Team Gerald.

Nagpaulan naman ng 3 points ang Team Daniel at naging dahilan ng pagkahabol nila ng score sa third quarter.

Nag-tie naman sa score na 63 ang dalawang koponan sa pagtatapos ng third quarter.

Naging mainit din ang naging laro bago magtapos ang game dahil sa pagkakaroon ng Injury ni Ronnie Alonte, na naglalaro sa grupo ni Daniel.

Sa huli itinanghal na winner ang Team Daniel sa score na 96 laban sa 93 na score ng Team Gerald.

Tumanggap naman ng special awards sila Young JV, Ronnie Alonte, Daniel Padilla, Gerald Anderson kasama si Axel Torres na nakakuha ng award bilang Most Valuable Player.

Tignan ang exciting pictures mula sa Kapamilya Playoffs.