• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto thinks that the MMFF should have respected ‘panlasang Pinoy’

Vic Sotto thinks that the MMFF should have respected ‘panlasang Pinoy’

Vic Sotto says that the MMFF committee should have included films for kids as part of the annual event.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2016 1:53 AM
Vic Sotto thinks that the MMFF should have respected ‘panlasang Pinoy’


112616-VicSotto_push.jpgMistulang official statement ang mahabang pahayag ni Vic Sotto during the presscon of his Enteng Kabisote 10 and The Abangers kaugnay ng hindi pagpasok sa Top 8 ng Metro Manila Film Fest 2016 ng kanyang pelikula na every year ay nagiging official entry.

Aminado rin si Vic na sumama ang kanyang loob, pero hindi raw ito pra sa kanya kundi para sa mga batang nag-aabang ng kanyang pelikula.

“Kung ako’y may sama ng loob ito’y hindi para sa akin kundi para sa mga bata. With all due respect sa kasamahan natin sa pelikula, for the first time in so many years, panahon pa nina FPJ, Dolphy, hindi nawawalan ng pambata basta pag pinag-usapan ang Metro Manila Film Fest,” simula ni Vic.

Patuloy pa niya, “Ako, naniniwala ako sa salitang respeto. Respetado ko ang panlasa ng bawat tao. Nirerespeto ko ang panlasa ng naging screening committee. I don’t have anything personal against them, pero para sa akin, nirerespeto ko na ang panlasa nila ay ganito.

“Pero pag dumarating ang Pasko, tayong mga Pinoy, may panlasa tayo na minsan nagkakaisa. Katulad kunyari sa noche buena, ang panlasa natin, eh, kailangan may spaghetti, or pag nakakaluwag-luwag ka may hamon ka, keso de bola. O kaya kapag super L-L ka (nakakaluwag-luwag), may lechon, di ba? Yon ang panlasa ng Pinoy pagdating sa Pasko.

“At alam nating lahat na pagdating ng Pasko, inaabangan ito ng buong pamilya, yung mga pelikulang mapapanood nila, alam natin na inaabangan ng mga bata. Ito’y panahon na ang nakakapili lalo na sa first few days, lalo na sa araw ng Pasko, ang nakakapili ng panonoorin ay yung bata. Once a year, nagkakaroon sila ng sarili nilang pera galing sa aginaldo ng mga ninong, ninang,” dire-diretso pang litanya ni Vic.

Sabi pa ni Vic, sana raw ay nirespeto ng MFF ang panlasa ng Pinoy audience.

“Ang masakit lang para sa akin, hindi nila nirespeto yung panlasang yon ng manonood ng pelikulang Pilipino,” pagdidiin pa niya.

“Nirerespeto ko yung pelikulang kasama sa festival ngayon, pero sana man lang nagsama sila ng puwedeng panoorin ng bata. Yon ay personal kong pakiramdam, nandyan na yan, sabi nga nila, ang kanilang desisyon ay final and unanimous, I respect that.

“Pero sana lang, nirespeto ng committee yung panlasa ng Pinoy. Kumbaga, huwag mong isubo sa amin yung hindi namin gustong kainin pagdating ng noche buena. Ang sa amin spaghetti lang, keso, kahit anong keso basta may keso, masaya na ang buong pamilya lalo na ang mga bata. Don lang naman ako nalulungkot, eh,” pahayag ulit ni Bossing Vic.