• Home
  • Fresh Scoops
  • Jean Garcia admits she doesn’t want to watch her love scene with Derek Ramsay

Jean Garcia admits she doesn’t want to watch her love scene with Derek Ramsay

Jean Garcia also talks about kissing Jake Cuenca.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/26/2016 10:16 AM
Jean Garcia admits she doesn’t want to watch her love scene with Derek Ramsay


112616-JeanGArcia_push.jpgMay kissing scene si Jean Garcia kay Jake Cuenca sa Regal Entertainment movie na Mano Po 7: Chinoy kaya hindi maiwasang maikumpara ang eksena nila ni Jake sa matinding love scene nila noon ni Derek Ramsay sa pelikulang The Escort na katatapos din lang ipalabas.

“Oh my God, napanood n’yo ba?” referring to her scene sa The Escort.

“Hindi ko siya pinanood, eh. Ayokong panoorin, eh. Sa big screen, sinadya kong hindi panoorin,” hiyang-hiya niyang pahayag.

Paano ba niya ikukumpara ang eksena niya kay Derek at kay Jake na mas bata sa kanya?

“Yung kay Derek, medyo passionate. Ako yung aggressive di ba? This one kasi, yung kay Jake, kiss lang kasi na sandali lang,” kuwento niya.

Pagtatapat pa ni Jean, bago raw niya tanggapin ang role sa The Escort ay katakut-takot na pagkumbinse muna ang ginawa sa kanya.

“Pinag-isipan ko talaga yon, as in two to three months nila akong niliigawan. Kasi yon nga ang worry ko, yung love scene (with Derek) so nag-meet pa kami ng director, ni Roselle (Monteverde), nakailang beses pa talaga na i-convince kasi hindi talaga ako gumagawa ng ganu’n. Hindi naman ako gumagawa ng hubad-hubad na ganyan,” sey pa ni Jean.

Eh, yung scene with Jake, kailangan pa ba siyang pilitin?

“Kay Jake kasi, kiss lang naman talaga. Saka may damit naman kami,” sey ulit niya.

On her personal life, inamin ni Jean na two years na siyang walang boyfriend.

“Wala pa. Pero nagdi-date naman ako.”

Eh, di matagal na siyang tigang?

“Hahaha! Ewan ko sa inyo. Pinaglalaruan n’yo na naman ako,” sabay halakhak niya.

Hindi pa ba siya nakakapili ng magiging boyfriend sa mga nakaka-date niya?

“Wala pa. Ayoko pa.”

Na-try niya na ba ang Chinoy?

“Hahaha!” halakhak ulit niya. Sabay amin na, “May dini-date akong dalawang Chinoy ngayon.”

Alam ba nila yon?

“Hindi naman ako committed, eh. I’m dating and they know.”

Mas masarap ba ang Chinoy kesa Pinoy?

“Okey naman ang Chinoy. Pareho lang naman sila ng Pinoy,” natatawa pa niyang pahayag.

Samantala, asawa ni Richard Yap ang role ni Jean sa Mano Po 7: Chinoy. Ayon sa kuwento ni Jean, nagkaroon daw siya ng affair kay Jake dahil hindi na siya kinakausap at pinapansin ni Richard.

Showing ang Mano Po 7 sa December 14 at kasama rin sa movie sina Enchong Dee, Jessy Mendiola. Eric Quizon, Janella Salvador, Marlo Mortel at marami pang iba.