Bea Alonzo talks about working with Ian Veneracion

Ian Veneracion compares his two leading ladies Bea Alonzo and Iza Calzado.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/26/2016 10:31 AM
Bea Alonzo talks about working with Ian Veneracion


112616-BeaIan_push.jpgNakabalik na mula sa shooting sa Germany ng ilang mahahalagang eksena sina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Sila ang magkatambal sa inaabangang ABS-CBN teleserye na A Love to Last.

 

Ayon kay Bea, mabilis ang naging bonding nila ni Ian sa set.

 

"Napakabait ni Ian. Masarap siya ka trabaho, magaan lang, and professional siya kapag trabaho na."

 

Si Ian naman, pabiro na kinumpara sina Bea at Iza Calzado na pareho niyang katrabaho sa serye.

 

"Si Iza parang strict na school principal yan. Si Bea naman siya ang student na pilya at madalas sa principal’s office," pabirong sagot ng aktor.

 

Thankful si Bea na napunta sila sa Germany para sa kanilang serye at dapat daw itong abangan dahil tatalakayin nito ang relasyon sa isa’t-isa ng modern Filipino family. Ito rin ang pagbabalik teleserye ni Bea na huli napanood sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.