Julia Montes admits she has left Star Magic

Despite changing management teams, Julia Montes says she still has a good relationship with Star Magic.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/25/2016 9:44 AM
Julia Montes admits she has left Star Magic


112516-JuliaMontes_PUSH.jpgMasayang-masaya si Julia Montes ng makapanayam natin siya sa backstage ng ABS-CBN trade launch. Dito itinuturing niyang napakalaking blessings ng patuloy na pag-arangkada sa ratings ng kanilang programa tuwing hapon na Doble Kara.

Aniya, marami pang mga dapat abangan ang mga taga subaybay nito na talagang mag-papainit ng kanilang mga hapon.

"Super blessed sama sama kami buong family ng Doble Kara andito. Marami pang aabangan kasi kahit kami nagugulat. Kasi pag dumarating ang script sa amin di namin inaasahan na may mangyayari masaya kasi buhay na namin ang Doble Kara for one year."

Malaking pasasalamat din ni Julia sa patuloy na pagbuhos ng mga hindi inaasahang blessings na kanyang natatanggap sa buong taon ng 2016.

"Sobrang overflowing ang 2016. Hindi ko expected na mangyayari sa akin ‘to. Parang may mga blessings na dumarating akala ko hanggang doon lang and then mag overflow pa kaya masasabi ko na ang 2016 ko ay super blessed," sabi pa ng aktres

Dito inamin din ng aktres na nagkaroon din siya ng malaking desisyon para sa kanyang career gaya ng paglipat niya ng management team.

"Siguro sa life naman po talaga kailangan mayroon tayong mga next step, and I think yun lang ang ginawa ko and masaya ako sa kung ano yung mga nangyayari sa akin and super blessed din ako sa mga tao sa paligid ko."

Lumipat man ng bakuran, nanatili pa rin ang magandang relasyon ni Julia sa Star Magic at aniya maganda ang reaksyon niya dito kahit lumipat na siya ng bakuran.

"Kung ano ang meron ako ngayon ay yun ay dahil sa mga taong nakasama ko, nag guide sa akin tumulong sa akin from the very start so walang nagbago doon it's just may kailangan na move na kailangang gawin," pagtatapos ni Julia.