• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin admits he felt awkward doing a shower scene for ‘The Super Parental Guardians’

Coco Martin admits he felt awkward doing a shower scene for ‘The Super Parental Guardians’

Coco Martin is open to doing a film for the MMFF next year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2016 9:55 AM
Coco Martin admits he felt awkward doing a shower scene for ‘The Super Parental Guardians’


112516-CocoMartin_PUSH.jpgNatatawang inamin ni Vice Ganda na nag-enjoy siya habang kinukunan ang shower scene ng best friend niyang si Coco Martin sa pelikula nilang The Super Parental Guardians na showing on November 30.

“Sa akin siyempre, it was fun. Kahit best friend ko yung nakahubad, it was fun pa rin,” natatawang pahayag ni Vice sa naramdaman niya sa naturang eksena.

Kakaiba naman ang reaksyon dito ng Primetime King.

“Ako naman iba. Siyempre, hindi lang ako kumikibo kasi ayoko, eh, (ng shower scene)… ayoko sana. Pero wala akong magawa dahil nandun na. Natatakot kasi ako kay Direk (Joyce Bernal)… alam mo yon,” pag-amin ni Coco na natatawa.

Patuloy pa niya, “Siyempre, ayoko siyang ma-disappoint sa akin, eh. Ayokong sabihin niya na ‘ang arte pala nitong katrabaho, ang tigas pala ang ulo nito.’ So nung nagsusyut kami, siyempre okey lang. Pero deep inside parang… yan na naman, eh. Eh, wala… wala akong choice, eh.”

Nakaramdam din daw siya ng awkwardness sa eksena pero hindi niya na lang ito ipinahalata.

Deep inside na-awkward-an ako, pero yon nga, wala na akong choice,” natatawa niyang pahayag. “Pero nakakatawa rin talaga yung eksena at yon naman yung hinahanap,” hirit pa niya.

Nalaswaan ba siya sa kanyang shower scene?

“Hindi naman malaswa. Kumbaga, minsan ko lang naman gagawin kaya pumayag ako,” sagot niya.

Nakaramdam ba siya ng tensyon habang pinapanood ni Vice ang eksena niya?

“Siyempre, may tensyon pa rin dahil lalaki ako, si Vice ano, eh (bading)… yon nga. Kumbaga, awkward pa rin, pero mas nakakatulong kasi yon dahil yon ang hinahanap ng eksena, eh.

“Kesa don sa sobrang relax kayo na wala na kayong nararamdaman, na ina-acting n’yo na lang yung dapat ninyong maramdaman. And then si Direk Joyce, sabi ko nga, actually, don nga ako bilib sa kanya, eh. Alam niya yung limitations, alam niya kung hanggang saan, kasi artista lang kami, eh, at bilang director, alam niya yung mga dapat gawin,” sey pa ng actor.

Sasali ba ulit siya next year sa Metro Manila Film Fest?

“Marami pa namang chance bumawi. Sabi nga ni Direk Joyce, next year sasali ulit kami. Kung hindi ulit matanggap, eh di next, next year ulit,” katwiran ni Coco.