• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto on “Enteng Kabisote” November 30 playdate: ‘Ayaw ko malungkot si Vice at Coco’

Vic Sotto on “Enteng Kabisote” November 30 playdate: ‘Ayaw ko malungkot si Vice at Coco’

The comedian says he is seeing the positive side of things after his film did not make it to this year’s MMFF.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/25/2016 12:43 AM
Vic Sotto on “Enteng Kabisote” November 30 playdate: ‘Ayaw ko malungkot si Vice at Coco’


112416-Vic_PUSH.jpgMaagang Pamasko din ang hatid ng bagong pelikula ni Bossing Vic Sotto na “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” na ipapalabas na din ngayong darating na November 30.

Kabilang ang pelikula ni Vic Sotto sa mga hindi pinalad na maka pasok sa Magic 8 para sa 2016 Film Festival

"Parang Pasko na ang pakiramdam ko e, Sabi nga ni pareng Joey kanina postponed ang Pasko, pinaaga ginawang November 30 na."

Masaya din si Bossing Vic Sotto para sa patuloy na sabayan nila ng malaking pelikula ng Star Cinema na “The Super Parental Guardians” kung saan bida sina Vice Ganda at Coco Martin.

"Mas maganda kung may kasabay e, nakalulungkot naman kung mag isa ka lang, ayaw ko din malungkot si Vice Ganda at si Coco Martin. Baka malungkot sila, siguro ganon din sila pag hindi nila ako kasabay iba ang pakiramdam," pabirong sambit ni Bossing.

Ikinatuwa naman niya ang ibinigay na suporta ng ilang malalaking mall sa bansa, dahil sa pag desisyon ng SM mall na pag bubukas ng mas maaga sa mga sinehan para sa mga malalaking pelikula ngayong November 30.

"Mas maraming ma attract na manunuod lalo na sa holiday, ang maganda pa nito nagsabi na ang SM Cinemas na magbubukas sila ng 8AM which they usually do kapag Christmas."

Itinuturing pa din ni Bossing na isang malaking blessing ang hindi nila pagkakatanggap sa Magic 8 entry ng MMFF, ito ay dahil sa mas mahaba at mas malawak pa ang naging play date nila sa takilya.

"I think it's a blessing in disguise for us and for Star Cinema kasi parang mas mahaba ang play date namin."

Dagdag pa ni Bossing dahil sa mga pangyayari ngayon ay mas may oras na siya na mag-celebrate ng pasok ng walang iniintidi.

"Yun ang magandang mangyayari, for the first time in about 15 years, I will have a Christmas Day with the family, hindi tulad dati more often than not yung utak ko nasa festival. Pero this time mas kumportable na," pagtatapos na kuwento ni Vic.