• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador is thankful to work with Disney for the third time

Janella Salvador is thankful to work with Disney for the third time

The actress says Disney’s animated films are really close to her heart, even when she was still a kid.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/25/2016 12:41 AM
Janella Salvador is thankful to work with Disney for the third time


112416-janella_PUSH.jpgSa naganap na grand movie press conference ng Regal Entertainment para sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy,” masayang masaya na ikinwento ni Janella Salvador ang kanyang nararamdaman na muli siyang mapili ng Disney para umawit sa bagong animated film na "Moana” pati na rin sa katatapos lang na “Disney in Concert.”

"Actually it's an overwhelming experience, kasi una sa lahat it’s my third time working with Disney, first yung pinakanta nila sa akin yung theme song noong 10th anniversary ng Disney Land, second is yung “Moana,” ako yung kumanta for the Philippines, tapos ako din yung kumanta nitong concert," kwento ni Janella

Dagdag pa ni Janella labis-labis na saya ang hatid nito para sa kanya, dahil talagang malapit ang Disney films sa puso niya, kahit noong bata pa siya, kung kaya nagpasalamat siya para pagtitiwalang ito sa kanya muli ng Disney sa ikatlong pagkakataon.

"I really feel so honored kasi they really chose me out of these people and talagang Disney baby ako, so singing these songs means really a lot to me," sabi pa ng young star.

Kinoconsider din ni Janella na highlight sa kanyang career ang pagpili sa kanya ng Disney sa kanilang mga proyekto dito sa Asia.

"Oo naman it's something that will never be erased it's something that I will be proud of until I'm old," pagtatapos ng dalaga