• Home
  • Fresh Scoops
  • Fil-American director Anthony Diaz shares his plans on filming a movie in Philippines

Fil-American director Anthony Diaz shares his plans on filming a movie in Philippines

Fil-American director Anthony Diaz talks about merging different cultures in his film.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/24/2016 9:38 AM
Fil-American director Anthony Diaz shares his plans on filming a movie in Philippines


112416-AnthonyDial_PUSH.jpgNasa bansa ngayon ang Filipino-American director ng Japanese inspired movie na Break na si Anthony Diaz. Ito ay para personal na ipagmalaki ang kanyang likhang pelikula na kanyang ilalahok para sa 2017 Sundance Film Festival.

Kasama ni Anthony ang kanyang mga Japanese actors para ipakita sa mga Pinoy ang kanyang mga kakaibang atake sa pag-buo ng pelikula. Aniya, sabik na sabik na siya ipakita sa mga kababayan ang kanyang pinaghirapan na mapapanuod sa piling mga sinehan sa bansa.

"I'm really excited because this is actual project of mine for two years, so it's my honor to share this to my Filipino audience and I think it is something that you've never seen before, in terms of mixing two cultures in a films and it will be different in terms of my style and substance of the story." excited niyang pagkuwenento.

Aminado din ang Fil-Am director na mas lalong naging mahirap ang pagbuo ng pelikula dahil sa language barrier sa kanyang mga kasamang Japanese actors.

"I think my biggest challenge in doing this film is directing my Japanese actors and I have my translator to take my direction and talk back in English. That would be the challenging part of this film."

Personal na pinili din ni Anthony ang Pilipinas para ipagmalaki din ito sa kanyang mga kasamang Japanese actors na namamangha sa kakaibang kultura ng mga Pilipino. Dagdag pa niya pinapalano din ng kanyang grupo na KAIZEN studios na gumawa ng pelikula sa bansa.

"I'm very proud. This is the culture I would like to take experience, like being here just to see my grandmother's house in her hometown in Cebu and take the story as this experience and use for my future film," pagtatapos ni Anthony.