• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marlo Mortel reacts on Janella Salvador and Elmo Magalona’s ‘special relationship’

EXCLUSIVE: Marlo Mortel reacts on Janella Salvador and Elmo Magalona’s ‘special relationship’

The singer-actor also shares what he misses the most about working with Janella.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2016 12:42 AM
EXCLUSIVE: Marlo Mortel reacts on Janella Salvador and Elmo Magalona’s ‘special relationship’


112416-Marlo-Janella_PUSH.jpgMatagal ding hindi nakatrabaho ni Marlo Mortel sa pelikula at sa telebisyon ang dating ka-loveteam na si Janella Salvador. Huling nagsama ang dalawa sa ABS-CBN morning series na “Oh My G!” at sa MMFF entry ng Regal last year na “Haunted Mansion.”

Ngayon ay magkasama ulit sina Janella at Marlo sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” ng Regal Films na showing on Dec. 14.

“At least, magkasama pa rin kami sa movie. Ni-look forward talaga namin ito kasi hindi na nga kami nagkakatrabaho,” reaksyon ni Marlo.

Hindi man daw sila nagkakasama sa trabaho pero open naman daw ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa.

“Nagkakausap pa rin naman kami sa viber, ganu’n… kumustahan.”

Pero hindi na raw talaga sila nakakalabas.

“Busy na rin kasi siya, eh. Tapos ako din, may ginagawa din ako (Umagang Kay Ganda hosting). Pero yung friendship, nando’n pa din talaga. Lahat sinasabi pa rin namin sa isa’t isa. Ina-update pa rin namin, ganu’n pa din naman,” balita pa niya.

Aware ba siya sa “special relationship” na namamagitan between Janella at Elmo Magalona na bago nitong ka-loveteam ngayon?

“Oo naman,” sagot agad niya. “Kasi naikita ko, eh. Nanonood ako sa kanila. Hindi naman ako nagsisinungaling, pinapanood ko sila, so fan din ako.”

Naniniwala ba siya na mag-on na sina Janella at Elmo?

“Hindi ko alam!” natatawa niyang sagot. “Hindi ko pa kasi sila nakikitang… at nakakasamang magka-work. Pag nakikita ko sila, parang mabilisan lang, so hindi ko alam, it’s not for me to say,” sagot niya. Ano ba ang pinaka-nami-miss niya kay Janella?

“Iba kasi yung chemistry namin, eh, kahit off screen. Kumbaga, mag-friends talaga kaming totoo, yung mga jokes, kumportable kami, sine-share namin ang kung anu-ano sa isa’t isa. So yon, ang nami-miss ko sa kanya.

“Although ngayon, mag-isa na lang ako madalas, pero hindi naman ako malungkot. Happiness is a choice pero naghihintay na rin lang ako ng panahon ko… alam mo yon, “ pagtatapos ni Marlo.