• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin admits he was at first speechless by non-inclusion of movie for MMFF

Coco Martin admits he was at first speechless by non-inclusion of movie for MMFF

Vice Ganda also says that they were ready in case their movie was not included in the MMFF.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/24/2016 9:42 AM
Coco Martin admits he was at first speechless by non-inclusion of movie for MMFF


112416-ViceCoco_PUSH.jpgAminado si Coco Martin na talagang hindi agad siya nakapagsalita nang malaman niya na hindi napili sa top eight ng selection committee ang pelikula nila ni Vice Ganda na The Super Parential Guardians na entry sana sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Sey ni Coco, “Kasi, lagi kong sinasabi, every time na nagmi-meeting kami sa Star Cinema, sabi ko, kahit hindi ako gumawa ng (pelikula) isang buong taon, basta makagawa lang ako ng isang filmfest, for Metro Manila Film Festival tuwing Kapaskuhan, ‘yun ang talagang gusto kong gawin, bukod sa soap opera sa TV.

And then, pinangako ko kasi sa dalawang bata (Awra and Onyok), eh, sabi ko sa kanila nung ano, ‘gagawa ako ng filmfest,’ sabi ko, ‘isasama ko kayo saka si Pepe (Herrera).’ And then, siyempre, tuwang-tuwa ‘yung mga bata,” kuwento ng actor.

Ang intensyon daw nila kaya ginawa ang pelikula ay para magpasaya ng mga tao sa Kapaskuhan.

“Pero sabi ko na lang sa sarili ko, alam ko, may magandang purpose ‘to, eh. Na hindi man kami nakasali, alam ko na may dahilan kung bakit,” katwiran niya.

Hindi man daw sila nakasali sa festival, napalitan naman daw ng excitement ang kalungkutan nila dahil nga ipalalabas na sila at ito na raw ang nilu-look forward nila ngayon.

At least, ang importante, sure tayo na maganda ‘yung pelikula natin. Kaya ‘yun po, ‘yun ang nagpapalakas ng loob ko ngayon,” rason ulit ni Coco.

Samantala, ayon naman kay Vice Ganda, handa sila talaga sakali mang hindi sila makapasok sa MMFF.

Ready kami kung ano ang gagawin namin kung hindi masasama sa filmfest kaya hindi kami taranta. Nakalatag kaming lahat, ready kami.

“And itong pangyayaring ito na mas napaaga ang pagpapakita natin sa kanila ng pelikula, it’s a big blessing,” pahayag ni Vice.

Ayon naman sa mga taga-Star Cinema ay naka-move-on din daw agad sila sa nangyari.

No one wasted time,” sey ulit ni Vice. “Parang ‘ay wala? Okay, go!’ Ano agad, excited tayo, tapos positive, walang galit, walang nag-aaway.

Everyone was positive doing the promo, everyone was positive doing the movie, and everyone is positive na masaya itong pelikulang ito at positibo ang magiging reaksyon ng mga tao,” pahayag pa niya.