• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon remains positive about the audition for new Hashtags members

McCoy de Leon remains positive about the audition for new Hashtags members

McCoy de Leon sees the auditions for new Hashtags members as a chance for someone to showcase their talents.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2016 10:12 AM
McCoy de Leon remains positive about the audition for new Hashtags members


112316-McCoyDeLeon_PUSH.jpgMag-uumpisa na ngayong linggo ang search para sa panibagong miyembro ng all-male kilig group na Hashtags sa It's Showtime.

Dahil sa unti-unting paguusad ng karera ng mga miyembro nito gaya nila Ronnie Alonte at McCoy de Leon, naging dahilan ito upang humanap ng mga bagong hahalili sa mga oras na wala ang ilang miyembro nito.

Positibo naman ang naging reaksyon ng miyembro nito na si McCoy para sa pagkakaroon ng karagdagang miyembro ng Hashtag. Aniya pagkakataon ito para sa mga naghahangad na pumasok sa showbiz na ipakita ang kanilang talento sa pagsasayaw araw-araw.

"Masaya ako siyempre magkakaroon ng chance ang ibang mga lalaki na maranasan kung ano at paano kami nag umpisa. Kami naman welcome naman sa amin ang lahat ng posibilidad e."

Kuwento pa ni McCoy hindi naging issue sa kanilang grupo ang pagkakaroon ng mas maagang mga opportunidad, gaya ng pagkakaroon ng sariling concert ni Ronnie Alonte at pagkakaroon naman niya ng sariling career bilang parte ng bagong kilig love team.

"Noon una natakot kami kasi baka may issue nga kaya baka gusto na kami palitan. Pero tinignan po namin ang brighter side po ng search, ito yung para mabigyan ng chance ang ibang dancer na mapakita ang talent nila sa Showtime. Siyempre umaasa din kami na balang araw magiging kaibigan namin lahat.”

Sinagot din ni McCoy ang issue tungkol sa inggitan umano sa pagitan ng bawat miyembro dahil sa pagkakaroon ng sari-sariling career.

"Siguro timing lang po kasi nasuwertihan lang po namin, siguro ako at si Ronnie. Naniniwala po ako na may tamang oras po para sa bawat isa sa amin. Nagkataon lang na nauna siguro yung iba, wala din naman issue na naiwan sa ere. Kami kami naman po ang nag hihilahan pa angat," pagtatapos ni McCoy.