• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola believes there is a right time to talk about issues with Angel Locsin

Jessy Mendiola believes there is a right time to talk about issues with Angel Locsin

Jessy also reacts on Angel Locsin’s guesting on Banana Sundae’s 8th anniversary special.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/24/2016 1:26 AM
Jessy Mendiola believes there is a right time to talk about issues with Angel Locsin


112316-jessy_main.jpgSa grand movie press conference ng maagang pamaskong pelikula ng Regal Entertainment na “Mano Po 7: Chinoy,” naikuwento ng isa sa mga main cast nito na si Jessy Mendiola ang naging matagumpay na pagdiriwang ng 8th anniversary concert ng kinabibilangan niyang gag show na “Banana Sundae.”

Aniya naging masaya at maayos ang pagdiriwang ng kanilang programa kahit na umaga na sila na tapos dahil sa kaligayahan na kanilang naihatid sa mga nanuod sa kanila.

"Masaya po, medyo late na kami natapos noon, pero successful naman siya, maraming nakapanuod, maraming production number and maraming special guest na napa unlakan yung invitation namin and may mga big surprise po ang ‘Banana Sundae,’"kwento ni Jessy.

Bukod dito, naitanong din sa aktres ang umugong na usap usapan tungkol sa pagkikita umano nila ni Angel Locsin na ex-girlfriend ng kasalukuyang nali-link sa kanya na si Luis Manzano. Special guest kasi sa Banana Sundae si Angel.

"Sinabi po sakin na mag-guest po siya doon, natutuwa naman po ako siyempre we need (Banana Sundae) support from other big stars, so dahil pinaunlakan naman niya yung invitation ng ibang co-star ko, kasi part po siya (Angel Locsin) ng isang production number ng isa sa mga co-star ko kaya masaya naman po kami na pumayag siya."

Paglilinaw pa ni Jessy, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magsama sila sa entablado kung kaya hiniling ni Jessy na huwag na palakihin pa ang issue.

"Iba po yung amin, iba din po ang ka group ko and magkalayo po kami ng dressing room, sana po ‘wag na po sana natin gawin yun, para po happy na lahat ng tao, kasi magkaiba din po yung prods namin eh. Ako kasama ko po si JC De Vera, siya (Angel) iba po yung kasama niya," sabi pa ni Jessy.

Pakiramdam din daw niya na maayos naman sila ni Angel at tanging mga supporters lamang nila ang mga nag aaway para sa kanila.

"Pakiramdam ko naman po okay naman po talaga kami kahit dati pa, I think yung mga fans lang and yung mga hardcore lang na sumusuporta sa kanya or sa akin, sila-sila lang po yung mga nag-clash."

Sabi pa niya, hindi rin daw naramdaman ng aktres ang pressure sa mga common friends nila ni Angel na pagbatiin sila at alam niya na nirerespeto nila ang bawat isa.

"Hindi naman po, kasi nirerespeto din po nila yung timing ng bawat isa, so hindi na po nakikialam ang ibang tao sa amin," pagtatapos ni Jessy.