Bea Alonzo reacts to being friends again with Zanjoe Marudo

Bea Alonzo on Zanjoe Marudo: ‘Mahaba ang pinagsamahan namin na hindi pwede itapon lang’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/24/2016 1:24 AM
Bea Alonzo reacts to being friends again with Zanjoe Marudo


112316-BeaAlonzo_PUSH.jpgBlooming at walang kupas ang ganda ng aktres na si Bea Alonzo ng makausap natin bactstage sa ABS-CBN Trade Event na naganap kagabi, November 22, sa isang hotel sa Pasay. Present si Bea sa event para ipakilala ang bago niyang teleseryeng A Love to Last kasama sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

Ipinagpasalamat ni Bea ang walang tigil na dating ng biyaya sa personal niyang buhay at sa kanyang career.

"Masaya ako sa takbo ng career ko. Hindi ako nawawalan ng trabaho, masaya rin ako sa personal life ko. Parang everything is falling into place."

Bago pa magsimula ang trade event, dumaan ang ex -boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo sa area kung saan inaayusan si Bea at dito nagkausap sila at nag-beso. Hindi naman ikinaila ni Bea na magkaibigan na sila ngayon ni Zanjoe.

"Yes we’re friends talaga. Hindi yun nawawala. Mahaba ang pinagsamahan namin na hindi pwede itapon lang."

Kababalik lang ni Bea at Ian mula sa Germany kung saan kinunan ang ilang malalaking eksena ng bago nilang teleserye.