• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban on whether she’s dating ex John Lloyd Cruz: ‘Hindi naman’

Angelica Panganiban on whether she’s dating ex John Lloyd Cruz: ‘Hindi naman’

Angelica Panganiban reveals love life status

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/23/2016 11:11 AM
Angelica Panganiban on whether she’s dating ex John Lloyd Cruz: ‘Hindi naman’


112316-AngelicaPanganiban_PUSH.jpgSa TV Patrol, matapos ma-hot seat ni Angelica Panganiban sa Tonight with Boy Abunda sinabi ng aktres na “hindi naman” sila dating ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Natanong kasi siya sa TWBA kung sino kina Piolo Pascual, Coco Martin at John Lloyd ang gusto niyang makadate at sinabi nito na si “John Lloyd.” Nang tanungin kung sino naman sa tatlo ang gusto niyang pakasalan sabi niya ng nahihiya ay, “si ano….”

May love life kaya ngayon si Angge? Ayon sa kanya, “masaya lang ako ngayon.” Sa 24 years diumano niya sa showbiz, hindi lang rin pag-arte ang natutunan niya kundi, “ang importante sa lahat yung respeto na kaya mong ibigay sa kapwa mo tao.”

Kaya na rin niya ngayong tawanan ang bashers. “Siguro tapos na ako dun sa mga taon na mapagpatol ako. Napagsawaan ko na siya.”

Certified box office hit ang pelikula ni Angge na The Unmarried Wife na tumabo na ng 100 million sa anim na araw nito sa sinehan.

May niluluto ring pelikula si Angge with Vice Ganda nagyong 2017.