• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla to BB Gandanghari: ‘You are free my sister who used to be my brother’

Robin Padilla to BB Gandanghari: ‘You are free my sister who used to be my brother’

Robin reacts to BB legally being a woman in the US. .

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/22/2016 1:30 PM
Robin Padilla to BB Gandanghari: ‘You are free my sister who used to be my brother’


112216-RobinPadilla_PUSH.jpgBukod sa mga isyu kaugnay ng panganganak ng asawang niyang si Mariel Rodriguez at pagkakaroon niya ng absolute pardon mula kay Pang. Rodrigo Duterte,  isa sa mga isyung naitanong kay Robin Padilla ang pagiging ganap na babae ni BB Gandanghari ayon sa batas ng Amerika.

Bagamat masaya si Robin para kay BB, may isang bagay pa siyang hindi pa napaghahandaan.

“Usapin ng boyfriend, kanya na lang ‘yon hindi na kailangan ipakilala sa amin. You are free my sister who used to be my brother,” pahayag ng action star sa TV Patrol.

Samantala, sa nalalapit niyang kaarawan, ang tanging hiling ni Robin ay mabigyan na ng US Visa upang mayakap ang kanyang mag-ina.

“Sana ‘yung US Visa, mayakap ko naman ang aking Isabella de Padilla ko at ‘yung aking asawa. I promise I will never give America a problem,” ani Robin.

Sakaling matuloy na ang paglipad niya sa Amerika, maaaring mag-reunion rin daw sila doon ni BB.