• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon and Elisse Joson speak up about the possibility of doing comedy

McCoy de Leon and Elisse Joson speak up about the possibility of doing comedy

McCoy de Leon and Elisse Joson are grateful to have been part of Banana Sundae’s anniversary concert.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/22/2016 10:16 AM
McCoy de Leon and Elisse Joson speak up about the possibility of doing comedy


112216-McLisse_PUSH.jpgNakisaya at kinagiliwan ng mga audience ng Banana Sundae ang bagong inaabangang kilig love team na McLisse sa pagdiriwang ng eighth-year anniversary concert ng Sunday gag show na ginanap sa Kia Theater.

Nakapanayam ng Push.com ang McLisse sa rehearsal ng concert at dito ibinahagi nila ang kanilang mga nararamdaman sa patuloy na pagdami ng proyekto at offers pagkatapos nila lumabas sa Big Brother House.

Ayon kay McCoy, masayang-masaya siya dahil dati ay napapanuod lamang niya ang Banana Sundae at ngayon kabilang na siya dito.

"Siyempre masayang-masaya at nagpapasalamat po kasi dati napapanuod ko lang ito pero ngayon hindi ako makapaniwala na magiging bahagi kami para sa anniversary."

Kuwento pa ni Elisse, masaya siya sa mga pagkakataon na na ibinibigay sa kanila.

"Sobrang enjoy po ako, kahit na bago pa kami malaking pagkakataon na po ang mapasama kami sa anniversary concert pa nila kaya very grateful po kami."

Ayon pa sa love team, open din daw sila sa mga posibilidad kung sakaling maging mainstay cast sila ng gag show.

Sabi pa ni Elisse "Oo naman po kung may chance po why not po? Masaya po dito."

Dagdag naman ni McCoy willing sila matuto magpatawa kung sakaling magiging parte na sila ng programa "Ako naman po wala naman po kami background sa comedy pero sa mga kasama namin dito dapat kahit papaano makasabay. Kaya willing to learn naman po kami."