• Home
  • Fresh Scoops
  • Mae Paner all praises for Joshua Garcia’s acting in ‘Vince & Kath & James’

Mae Paner all praises for Joshua Garcia’s acting in ‘Vince & Kath & James’

Mae Paner reveals that the MMFF committee was impressed by Joshua Garcia in ‘Vince & Kath & James.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2016 10:24 AM
Mae Paner all praises for Joshua Garcia’s acting in ‘Vince & Kath & James’


112216-MaePaner_PUSH.jpgPuring-puri ng isa sa miyembro ng Metro Manila Film Festival Selection Committee na si Mae Paner ang napili nilang top eight MMFF entries na ipapalabas sa Christmas season.

“Ang akala namin mahirap pero to our surprise, because the eight films are truly good. Di ba, kasi kung merong pangit, mahihirapan pa kami, eh. Pero dahil yung eight na napili were my top eight at top eight din ng iba, almost a hundred percent unanimous with our decision,” deklara ng aktres at political activist.

Ayon pa sa kilala rin bilang Juana Change, magagaling din daw ang mga artistang napanood nila sa mga pelikulang kasali sa MMFF. Pero naging kapansin-pansin daw sa kanya ang performance ng gumanap na Vince (Joshua Garcia) sa pelikula ng Star Cinema na Vince & Kath & James.

“OMG! Ano’ng pangalan niya – Joshua Garcia? Maniwala ka pagkatapos ng pelikulang ito, magiging big star siya. Alam mo, ang natural niya. Ang karakter believable tapos ang rapport nila ni Julie Barretto, fantastic!

“Alam mo, kaming eight (sa Selection Committee), kinilig kami. Ako rin kilig. Si Crispina (Belen), si Nick (Tiongson) kilig na kilig. Imagine mo ‘yon?

“Hindi ko siya kilala in fairness. Ang kilala ko si Julia… hindi ko siya kilala. Pero alam mo, this film will really make it, ang husay niya,” papuri pa niya kay Joshua at sa pelikulang Vince & Kath & James.

Nagbigay din si Mae ng reaksyon sa hindi pagpasok sa Top eight ng pelikula nina Vic Sotto, Vice Ganda at iba pang malalaking film production na nagsubmit ng entry.

“Hindi naman talaga madali. Pero I think, kung titingnan lang nila ito as a challenge in a positive way, na kung hindi man ako nakapasok ngayon bakit kaya? Kasi hindi ba, kailangang ganun din tayo, marunong tayong pumuna ng ating mga sarili.

“Bilog din naman ang mundo, hindi ka naman laging nasa ibabaw, minsan iikot yan para tayo matuto. Siguro merong oportunidad na ibinibigay sa mga hindi nakapasok para paghusayin pa nila ang kanilang craft,” pahayag pa niya.