Comedian Blakdyak found dead in his Sampaloc home

Complete details on the death of the comedian are yet to be released by authorities.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/21/2016 9:14 PM
Comedian Blakdyak found dead  in his Sampaloc home


112116-Blakdyak_PUSH.jpgNatagpuang patay ang singer-comedian na si Joey Formoran Amoto o mas kilala bilang si Blakdyak sa kanyang bahay sa Sampaloc,Manila ngayong Lunes, November 21 bandang mga alas-siete ng gabi. 

Ayon sa report ng ABS-CBN News, sinabi ng asawa nito na natagpuan ng kanilang anak si Blakdyak sa kanilang kwarto na walang buhay at may supot sa ulo. 

Si Blakdyak ay kilala sa kanyang mga kanta na sumikat noong 90s tulad ng “Modelong Charing” at “Noon at Ngayon.”

Noong 2014 naman ay naaresto siya ng awtoridad dahil sa malicious mischief, alarm and scandal, at illegal possession of drug paraphernalia sa kanyang apartment sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang gumawa pa siya ng album kasama ang batikang composer na si Lito Camo noong 2015.