• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin reveals hidden blessings despite of changes in the 2016 MMFF

Coco Martin reveals hidden blessings despite of changes in the 2016 MMFF

The actor admits he and the whole cast and crew were saddened when “The Super Parental Guardians” did not make it to the MMFF 2016 Magic 8.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2016 3:47 PM
Coco Martin reveals hidden blessings despite of changes in the 2016 MMFF


112116-CocoMartin_PUSH.jpgNababalot man ng mga negatibong komento ang malaking pagbabago sa ruling ng Metro Manila Film Festival sa pag pili ng mga pekikulang kalahok ngayong taon, maituturing parin na maligaya ang Kapaskuhan ng mga entry na hindi pinalad na mapabilang dito.

Ngayong araw, masayang inanusyo ni Vice Ganda sa It's Showtime ang maagang Pamaskong handog niya at ni Coco Martin na mga bida sa pelikulang SPG o “Super Parental Guardians” na hindi pinalad makapasok sa Magic 8 entry ng film fest.

Bukod dito nagkomento din sa PUSH.com.ph ang kasama ni Vice na si Coco Martin sa pictorial ng nasabing pelikula. 

 Aminado si Coco nalungkot siya ng malaman niya na hindi na talaga mapapasama ang kanilang pelikula sa Film Festival.

"Honestly nalungkot ako, kasi talagang nung binubuo namin to ni Vice ng Star Cinema ni Direk Joyce , naka mindset kami para sa Pasko, syempre para magpaligawa sa ating mga manunuod ngayong Pasko, pero nung hindi siya natanggap aaminin ko masakit pero okay lang kasi hindi naman natin hawak ang desisyon."

Ganon pa man maligaya pa din ang aktor dahil sa pagakakaroon nila ng pagkakataon na maipalabas padin ang kanilang pinaghirapang pelikula kahit na napa-aga pa ito tulad ng inasahan na play date nito na December 25.

"Sabi ko nga, Baka may ibang plano at baka may iba talaga silang gusto (MMFF) ibigay ngayong Pasko, pero sabi namin kung may nagsarado ng pinto, may nagbubukas naman na bintana."

Dagdag pa ni Coco hanggad niya na mapaligaya ang mga pamilyang manunuod sa kanilang pelikula ngayong bago dumating ang Pasko.


"Siguro mas maaga na lang namin kayong hahandugan ng Pamasko namin, ginawa namin to para masaya kayo maligayahan kayo ngayong Pasko at para sulitin ang ibanayad ninyo sa sinehan."

Dahil sa mga pagbabago sa patakaran ng MMFF, nilinaw ni Coco na wala siyang kahit anong sama ng loob sa mga committee ng MMFF at sa pamumuan nito.

"Wala, kami naman sport naman kami, sabi nga namin parang nakakalungkot, hindi lang naman kami ang nakasali at naniniwala kami na mas marami pang chance para bumawi at ito ay ang mas maagang Pamasko para sa inyo," pagtatapos ni Coco.