• Home
  • Fresh Scoops
  • Priscilla Meirelles says Janice de Belen helped her with her acting in ‘Be My Lady’

Priscilla Meirelles says Janice de Belen helped her with her acting in ‘Be My Lady’

Priscilla Meirelles also gives her reaction to recent Miss Earth controversy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/20/2016 8:44 AM
Priscilla Meirelles says Janice de Belen helped her with her acting in ‘Be My Lady’


112016-PriscillaMerieles_main.jpgHindi makapaniwala ang former Miss Earth na si Priscilla Meirelles sa tagumpay na narating ng kanilang programang Be My Lady na patuloy na inaabangan ng mga manonood.

Sa The Everlasting Ending farewell press conference ng programa para sa huling linggo nito, ibinahagi ng Brazilian beauty queen ang kanyang galak sa pagkakakabilang niya sa programa.

"Maraming salamat. Sobrang saya sa feeling na tumagal kami, konting lungkot kasi patapos na kami. Matagal din ang pinagsamahan. Marami din nagsabi sa akin ang galing ko daw dito, maraming comment sa akin as former Miss Earth. Bilib sila kasi kontrabida ako, na kaya sobra akong masaya diyan. Bilang bagong actress, ibig sabihin believable yung character ko so I was able to achieve yung mga kailangan sa role."

Naging kontroberyal man ang casting ng programa dahil sa pagiging magkatrabaho nila ni Janice de Belen na ex wife ng kanyang asawa, hindi naging hadlang ito para sa magandang samahan ng buong cast na tumagal ng mahigit isang taon. Aniya propesyonal na nagampanan ng bawat isa ang kani-kanilang mga role.

"Civil pa din kami pero masaya kasi may opportunity na magkatrabaho kaming dalawa sa soap opera. Pareho kaming nanay sa story, may konting usapan pero hindi na sa level ng friends kasi yung buhay natin is very different, kasi we don't have anything in common to share. Pero of course sa trabaho tinutulungan niya ako, very professional and na appreciate ko yan."

Bukod dito, naitanong din kay Priscilla bilang former Miss Earth 2004 kung ano ang kanyang masasabi sa kontrobersya ng Miss Earth Organization at kay Imelda Schweighart.

"Ang lungkot ko diyan kasi judge ako during that night and she was my favorite. Sobra ako happy kasi magandang kandidata pero hindi ko siya kilala on the personal level, so yung mga narinig natin na may konti siyang attitude like that. Siyempre I feel sad for the organization kasi first time ito nangyari sa Miss Earth and I really hope she'd learn from what she have been through and that you know people can get example of that and learn. And let's move on, kasi finished na. Good luck pa din siyempre sa replacement niya."

Kuwento pa ni Priscilla, masaya siya para sa nanalong Ecuadorian beauty na si Katherine Espín dahil deserve nito ang korona.

"Sobra akong happy for her kasi makikita talaga natin on the stage who really shines the most, and Miss Ecuador it was really her night. And yung buong pagkatao niya gumalaw and everything. It was really like favoring her. She was deserving. She really moved the right way and I think that what makes a really good winner."