• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan to stage a star-studded concert on his birthday

Michael Pangilinan to stage a star-studded concert on his birthday

Michael Pangilinan will mark his 21st birthday with a free concert.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2016 8:45 AM
Michael Pangilinan to stage a star-studded concert on his birthday


112016-MichaelPangilinan_main.jpgMagkakaroon ng libreng birthday concert ang Harana Prince na si Michael Pangilinan sa mismong kaarawan niya sa November 26 sa Rajah Sulayman Park (Roxas Boulevard) from 4 to 7 pm.

Paraan daw ito ng singer to give back dahil naging matagumpay ang halos limang taon niya sa music industry.

“Sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it's time for me to give back. Sabi nga, it's payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, di ba? Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin, ang pagiging singer/performer.

“And I'm truly grateful to all of you—to my manager (Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one. I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy,” pahayag ng singer.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Michael ang kanyang fans lalo na ang MichaeLovers na nagtitiyaga sa kanya pati na rin ang kanyang mga producer, sponsors at members ng entertainment media.

Lahat sila ay bahagi ng kung anong meron ako ngayon kaya taus-puso talaga akong nagpapasalamat sa kanila,” sey pa niya.

May special message din siya sa kanyang anak.

“To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minute, one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko,” sambit pa niya.

“Gusto ko ring ipaabot ang aking taus-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my free concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makakalimutan itong regalo niyo sa akin,” dagdag pa ni Michael.

Pinamagatang Si Erap, Si Michael at ang mga Manilenyo, ang concert ay para rin sa selebrasyon ng kanyang 21st birthday.

Special guests sa concert sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Nikko Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowee Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana, and Mayor Joseph Estrada at iba pang malalaking pangalan sa music industry.

Musical director ng show si Ivan Lee Espinosa with Marnie Jereza and Sam Gaddi as back-up vocals for Michael. Hosts naman si DJ Chacha at Rommel Chika.