• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla set to do rom-com in 2017

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla set to do rom-com in 2017

Kathniel shares details of their upcoming Star Cinema flick under director Mae Cruz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/20/2016 9:31 AM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla set to do rom-com in 2017


112016-KathNiel_main.jpgExcited na ibinahagi ng Star Cinema ang panibagong aabangang proyekto na pagsasamahan ng tinaguriang mga bagong King & Queen of Philippine movies na sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa ginawang story conference ng bagong pelikula, masayang masaya na nagbahagi ng detalye ang mag ka-love team.

Kuwento ni Kathryn, excited na siya na maumpisahan ang proyekto na makakapag pasaya sa kanilang mga fans.

"Yes kami din excited personally kasi na eenjoy namin iba yung vibe tapos masaya gawin pag rom-com and parang yung maka kasama namin dito same group ng ‘Crazy Beautiful You’ sa set, Yung story din very light masaya kasi, masaya lang sa set," sabi ni Kath.

Ayon naman kay DJ, Light man ang daloy ng storya nila ibibigay pa rin nila ang puso para maging ng maganda ang kanilang proyekto.

"Kahit naman sabihin natin na light, hindi naman ibig sabihin puro saya, siyempre pahihirapan pa rin kami ni Direk Mae [Cruz], yun naman yung masaya doon e, kasi para sa akin hind naman pwedeng madali lang lahat. Siyempre bibigyan natin ng puso yung ginagawa natin."

Challenging naman ito para sa direktor nito na si Direk Mae Cruz dahil susundan niya ang success ng “Barcelona; A Love Untold.” Aniya sisnisigurado pa din niya na magiging iba ang proyektong ito sa mga nagawa ng KathNiel.

"Every project is challenging kahit sabihin natin na rom-com lang ito, it's not easy because ang dami nang nagawa and ang dami na rin nila na gawa, ang dami ko ng nagawa, so how do we make it different? Siguro it's a combination of us from what haven't we done, what haven't they done , what haven't I done plus kung ano pa ang babagay sa kanila given the maturity so we have to elevate them para iba naman ang mabigay," paliwanag ni Direk Mae.