• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola reacts on reports Angel Locsin is still ‘Darna’

Jessy Mendiola reacts on reports Angel Locsin is still ‘Darna’

The actress says there’s nothing to be disappointed about.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/20/2016 9:20 AM
Jessy Mendiola reacts on reports Angel Locsin is still ‘Darna’


112016-Jessy_main.jpgNaging usap-usapin na si Angel Locsin pa rin daw ang gaganap bilang si Darna sa pelikula at kaagad naman itong na-konek ng mga netizens kay Jessy Mendiola na nagpahayag noon sa kanyang mga interview na interesado naman daw siya sa role kung sakaling ibibigay sa kanya ito.

Na curious ang karamihan kung nadismaya ba si Jessy sa balitang si Angel pa rin daw ang may hawak ng role. Natanong ang sexy aktres tungkol sa isyung ito ni Darla Sauler sa taping ng Banana Sundae 8th anniversary show.

“Hindi naman po siya binigay sa akin to begin with so bakit naman ako malulungkot? I think lahat naman ng natanong tungkol doon sa role na ‘yon open naman I mean sino ba namang may ayaw?” ani Jessy.

Pinuri rin ni Jess yang aktres at sinabing deserve ni Angel ang role na Darna.

“Karapat-dapat lang naman talaga na siya.”

Maaalalang naibalita noong January na hindi na muna tinanggap ni Angel ang role dahil sa disc bulge sa kanyang spinal cord. Pero dahil sa ilang mga procedure sa Singapore ay unti-unti nang nagiimprove ang kundisyon ng aktres kaya’t sinasabing inaantay na lang ang kanyang complete healing para maumpisahan ang proyekto.

Panoorin ang buong interview kay Jessy dito.