Janice de Belen feels positive about the new MMFF

Janice de Belen sees the changes in the MMFF as an opportunity for more movies to be produced.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/20/2016 8:41 AM
Janice de Belen feels positive about the new MMFF


112016-JanicedeBelen_main.jpgKasama si Janice de Belen sa lead cast ng hit morning teleserye na Be My Lady na magtatapos na sa Biyernes, November 25. Naikuwento sa atin ni Janice na plano nya muna ang mag-bakasyon matapos mag focus sa teleserye na tumakbo ng sampung buwan. Pero bukas ang aktres sa option na gumawa ng kakaibang role na naibibigay sa kanya ng indie movies na nakagawa na siya noon.

"If there’s a good story, why not? Masaya naman mag-indie at gusto ko mag-indie."

Sa bagong bihis na Metro Manila Film Festival kung saan binigyang daan ang mga indie movies para maipalabas ngayong taon, positibo si Janice na makakatulong ito sa local movie industry.

"It’s good, it’s actually good! Aminin na natin ang mga movies na ginagawa natin ngayon kailangan sigurado, dapat formula at sigurado tayo na magwo-work, ‘di ba? Indie films are more experimental, are braver in terms of storyline, in terms of casting."

Importante daw dito ang pagdami ng magkaka-interes na mag produce ng pelikula at magdadagdag trabaho sa mga artista at movie workers.

"Ako, I’m happy ng ganun kasi malay mo one day hindi na siya kailangan tawagin na indie at mainstream film na rin siya which is good for everybody because maraming artista at marami ang gusto mag-trabaho," pagtatapos ni Janice.