• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ted Boborol still can’t believe ‘Vince & Kath & James’ made it to the MMFF top 8

EXCLUSIVE: Ted Boborol still can’t believe ‘Vince & Kath & James’ made it to the MMFF top 8

Director Ted Boborol says they just did their best to come up with a good movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2016 8:36 AM
EXCLUSIVE: Ted Boborol still can’t believe ‘Vince & Kath & James’ made it to the MMFF top 8


112016-TedBoborol_main.jpgHindi pa rin makapaniwala ang isa sa mga director ng daytime series na Be My Lady na si Ted Boborol na napasama sa Top 8 ng Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Vince & Kath & James na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Ronnie Alonte at prinodyus ng Star Cinema.

“Sobra kaming kabado kasi una sa lahat, tatlo yung sinubmit ng Star Cinema at para sa akin kami yung parang dark horse at hindi expected na makakapasok. Kasi una, hindi siya ganun ka-big budget. Pangalawa, baguhan yung mga artista ko at baguhan din ako bilang director, di ba?

“Tapos alam namin nabago yung executive committee ng Metro Manila Filmfest so alam namin na mag-i-statement sila. Alam namin na yung pipiliin nila yung talagang papasa sa panlasa nila. At yon ang problema, hindi namin alam kung ano yung panlasa nila.

“So what we did was really just make a good movie, a beautiful movie. We submitted it, we were really hoping na pumasa kasi it will really be a big help for the movie especially since baguhan yung mga artista ko. So nu’ng in-announce na, nagtilian kami, nag-iyakan kami,” masayang kuwento ni Direk Ted na parang hindi pa rin makapaniwala.

Inamin din ng director na hindi talaga intensyong isali ng Star Cinema sa MMFF 2016 ang Vince & Kath & James.

“Nung napanood ng management, ng Star Cinema, parang nagustuhan nila. Sila ang nag-decide na sige, isama na natin ito,” sambit pa niya.

Ayon pa kay Direk Ted, tinutukan din naman niya ang kalidad ng Vince & Kath & James at isa marahil ito sa dahilan kung bakit nagustuhan ito ng MMFF Execom.

“When I do a movie, I make sure, even if it’s mainstream or formula or romcom I make sure that I make a quality film. Yon naman yung pinaka-aim ko as a director.

“Kasi para sa akin, ayokong i-short change yung audience, they need to… if they love the movie it’s because we did a quality film and mag-i-enjoy sila. Ayoko namang gumawa para lang kumita,” reaksyon pa niya.

Pangalawang pelikula pa lang ni Direk Ted sa Star Cinema ang Vince & Kath & James. His first directorial job ay sa box office hit na Just The Way You Are na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

“Second movie ko lang siya. Yon yung dahilan kung bakit… yung expectations… my God!” tuwang-tuwa niyang pahayag.

Eh, anong feeling niya na hindi pinalad makapasok sa MMFF Top 8 ang Vice-Coco movie at ang Extra Service nina Coleen Garca at Arci Munoz.

“Alam ko rin yung hirap kasi kaibigan ko rin yung mga gumagawa ng pelikulang yon, eh. So, I don’t want to say na mas magaling o mas maganda yung movie namin. Kasi alam kong iba rin naman yung intensyon nila. At alam ko naman din na ginawa nila yung movie na yon para rin sa panlasa ng Filipino audience, so ayokong magpakayabang na ‘wow, pumasok yung pelikula ko.’ Walang ganu’n,” pagtatapos ni Direk Ted.