• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: JC De Vera says he prefers to have a non-showbiz girlfriend

Exclusive: JC De Vera says he prefers to have a non-showbiz girlfriend

The actor admits he is ‘searching’ and dating at the moment.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/21/2016 12:55 AM
Exclusive: JC De Vera says he prefers to have a non-showbiz girlfriend


112116-JCDeVera_PUSH.jpgLoveless ngayon ang Kapamilya actor na si JC de Vera. Walang napapabalita na meron siyang girlfriend o nililigawan.

Kailan pa ba siya walang love life?

“Wala pa namang isang taon. Bakit, naiinip ka na ba para sa akin?” pabiro niyang pahayag sa PUSH.com.ph

“Steady lang naman ako. Madami pa akong trabaho. Mas marami akong kailangang unahin lalo na ngayon na hindi na ako bata,” dagdag pa niya.

Pagdating daw sa personal na buhay, hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan ito.

“Yung parte ng buhay kong yon, ano yon, eh, very, very private yon. Kasi alam ko yung consequences noon at alam ko na pag merong isang private na tao na na-involve sa industriya natin, nagugulo din. Kaya alam ko yung consequences kaya hindi ako pumapasok talaga and kawawa yung tao, di ba?” katwiran pa ni JC.

Pero aminado naman ang binata na he’s looking for a possible girlfriend. Nakikipag-date naman daw siya at lumalabas-labas.

“Siyempre kasama yung naghahanap. Siyempre, hindi ka naman yung robot na walang nararamdaman di ba? Siyempre, looking ka and meron naman, pero hindi siya yung tipo na kailangang i-front o kailangang ilabas sa public. As much as possible, everything is private,” rason ulit ng actor.

Ayon pa kay JC, okay daw kung non-showbiz girl ang makakarelasyon niya.

“Mas tahimik yung buhay, eh. Mas nakakakilos ka. Tapos lalo na ngayon social media generation. Kumbaga, lahat ng tao, ang daming sinasabi, di ba, yon yung iniiwasan ko kasi nga merong mga tao na deserve naman nila yung privacy di ba? Para sa akin talaga, mas tahimik, mas okey, ayoko ng magulo,” pagtatapos ni JC.