• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Inigo Pascual reacts on his singing being compared to James Reid

Exclusive: Inigo Pascual reacts on his singing being compared to James Reid

The performer also reacts on people saying his dad Piolo Pascual is a better singer than him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/21/2016 12:53 AM
Exclusive: Inigo Pascual reacts on his singing being compared to James Reid


112116-InigoPascual_PUSH.jpgAyon kay Inigo Pascual, okay ang relasyon ng mom niya at ni Piolo Pascual kahit wala nang romantic connection ang dalawa.

“They’re okay. Siguro po may reason kung bakit ganu’n yung situation, pero okay sila. Whenever they have to talk about me, okay sila. At saka they ano naman, kunyari tungkol sa education ko, tungkol sa anuman, sa career, pinag-uusapan nila,” kuwento ni Inigo na katatapos lang mag-launch ng kanyang self-titled album na ang first single ay pinamagatang “Dahil Sa ‘Yo.”

Hindi na ba mag-aasawa ulit ang mommy niya?

“Sabi ko nga sa kanya, eh,” mabilis niyang sagot.

“But I’m just happy that I have her by my side,” patuloy pa niya.

Dagdag pa niya, “Personally, siya, parang she wants to be with me para alagaan ako. Kasi ganu’n din po yung nangyari sa lolo ko po.

“Parang when my grandmother died hindi na siya nag-asawa ulit, so I think same thing happened to my mom. May nagpaparamdam sa kanya, pero …” bitin na paliwanag ni Inigo.

Going back to his album, ano naman ang reaksyon niya kapag sinasabing mas magaling siyang singer kesa sa tatay niya?

“I wouldn’t say that kasi si Papa kasi, iba naman yung genre namin. Si Papa, pag kinanta ko yung genre niya, hindi ko magagawa. Pero pag ginawa ni Papa yung genre ko, magkaiba yung sound ng boses namin pero palagi kong sinasabi na mas magaling si Piolo Pascual,” katwiran niya.

Eh, sa isyu na halos sound alike sila ni James Reid, anong masasabi niya dito?

“It’s not a bad thing. James can sing. I’ve worked with him sa dalawang projects – my first movie and sa ‘Hopeless Romantic’ I was able to work with him. Magaling talaga siyang kumanta and being compared to someone like him is not a bad thing at all.

“I take it as a positive thing but of course I want to establish my own sound as well,” sabi pa niya.

Samantala, sobrang proud daw si Piolo sa kanyang first album.

“Actually, nung nasa Australia siya pinakita niya sa akin he was listening to my album sa Spotify. Sabi niya, yon na raw yung roadtrip album niya for the vacation kaya masarap sa pakiramdam.

“Minsan nga awkward, pag nasa kotse kami iba-blast niya yung album ko. Sabi ko, ‘Pa, change the music,’ eh may kasama kaming iba, siyempre nahihiya pa rin ako. Nando’n pa rin ako sa nahihiyang stage,” natatawa niyang kuwento.