• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan Guzman not worried about being typecast in gay roles

Edgar Allan Guzman not worried about being typecast in gay roles

Edgar Allan Guzman refuses to comment if he knows people in showbiz similar to his character.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2016 8:45 AM
Edgar Allan Guzman not worried about being typecast in gay roles


112016-EdgarAllanGuzman_main.jpgBading na naman ang role ni Edgar Allan Guzman sa bagong pelikula ng Viva Films na Working Beks na ipapalabas sa November 23. Pero kakaiba raw ito sa lahat ng gay roles na nagawa na niya in his past movies.

“Kasi dito sa Working Beks, artista rin ang role ko. Matinee idol ako, heartthrob ako dito na may ka-love team pero hindi alam ng ka-love team ko at ng mga taga-showbiz na bading ako until lumabas yung sex video ko,” pahayag niya about his role.

May mga kilala ba siya sa showbiz na katulad ng karakter niya sa Working Beks?

“Ayokong magsalita… ayokong magsalita talaga. No comment ako. Ayoko talaga kasi siyempre hindi rin naman ako sure at hindi ko rin alam kasi hindi rin naman ako marunong tumingin kung ‘ay, bading ito.’

“Pero sa mga kaibigan kong artista wala akong kilala… wala pa akong nagiging kaibigan na ganu’n,” simulang pahayag ni EA.

Ayon pa sa binata, hindi rin daw maiwasan talaga na nakaka-encounter siya ng mga ganu’ng klaseng tao sa showbiz.

“Marami rin ganun, eh, pero siyempre, hindi ko pinapaano yung isip ko na ganu’n. Ayokong maging judgmental, parang nire-reverse psychology ko lang na ‘hindi lalaki yan.’ Pero minsan, aamin ko talaga na may ganu’n, may nangyayaring ganu’n,” pagtatapat niya.

Pang-siyam na gay role na pala ni EA ang karakter na pino-portray niya sa Working Beks. Magkaganu’n man, hindi raw siya talaga natatakot ma-typecast.

“’Yung sa pelikula kasi, parang iba yung path ko. Papunta ako do’n sa parang character actor kasi yon yung gusto ko ring gawin. Pero siyempre sa teleserye, sana yung pang-leading man, okey ako do’n.”

Patuloy pa ni EA, “Pero do’n nga sa sinasabi nila na hindi ba ako natatakot kasi nata-typecast nga ako sa mga ganito, hindi naman eh. Pero kung bibigyan ako ng opportunity na magkaroon ng ka-love team, why not? Gagawin ko pa rin siyempre yon.”

Hindi kaya makakaapekto sa pagkakaroon niya ng ka-love team if ever ang status ng kanyang love life?

“Hiwalay na po yung ganu’n. Hindi na po,” diin ng actor.

“Kumbaga, as of now kasi, hindi pa naman totally ako leading man, pa-leading man pa lang, bini-build up pa lang,” dagdag niya.

Samantala, kasama ni EA sa Working Beks sina Prince Stefan, John Lapus, TJ Trinidad at Joey Paras. The film is written and directed by Chris Martinez.