• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford feels positive on Pinoy Boyband Superstar finalists’ future in showbiz

Billy Crawford feels positive on Pinoy Boyband Superstar finalists’ future in showbiz

The TV host said things are getting tougher for the boys and he knows performing live in front of an audience is not easy.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/21/2016 12:51 AM
Billy Crawford feels positive on Pinoy Boyband Superstar finalists’ future in showbiz


112116-BillyCrawford_PUSH.jpgSa umiinit na pasiklaban ng mga aspiring boy band sa “Pinoy Boyband Superstar” lingo-lingo, mainit din sinusubaybayan ng mga fans ang kanilang mga pambato na nagpapakita ng galing sa mga judges at sa publiko.

Kung kaya para sa host nito na si Billy Crawford ramdam din niya ang matinding kompetisyon sa mga aspirants dahil sa mas pahirap ng pahirap ang mga kaganapan sa kanila weekly.

"We still have I think 4 weeks left. Every week nag-trim down na, magtatanggal kami ng isa so it's getting tougher for the boy band aspirants," kwento ni Billy.

Bilang host ng programa, naibahagi din ni Billy na mayroon na siyang mga nakikita na talagang may laban at potensyal na magtagumpay sa huli, pero para sa kanya ang mga hurado at mga audience pa din ang masusunod dito.

"Mayroon akong mga nakikita, kasi you know pagdating sa ganitong mga competition, ang galing nila, pero pagdating sa live may halong kaba at pressure, so mag-switch e, so sometimes yung expected mo na mag-excel sila pa yung nalalaglag, sila pa yung napupunta sa ibabang pwesto, so it really depends sa mga fans and it really depends on the judges kung sino pipiliin nila," dagdag pa ni Billy.

Naitanong din kay Billy kung masasabi na niya na mayroon na siyang mga pinanghinayangang aspirant at dapat pang mantili at lumaban, pero sabi pa ng PBS host malungkot siya kapag may naaalis dahil napapalapit na siya sa mga contestant at unti-unti niyang nakikilala ang mga ito at nalalalaman ang mga pangarap.

"For me kasi I never look at it that way, siguro sa judges may mga nakita silang sayang, ang sa akin lang siguro is napalapit na din sa akin ang mga bagets na to, so naiintindihan ko sila, their dream of trying to get in the industry and you know being a performer is not easy," pagtatapos ni Billy