• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta shares her excitement for upcoming TV show in 2017

Sharon Cuneta shares her excitement for upcoming TV show in 2017

The Megastar admits to missing taping inside ABS-CBN's studios.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/3/2016 1:06 AM
Sharon Cuneta shares her excitement for upcoming TV show in 2017


110216-sharonCuneta1_main.jpgHindi na talaga mapipigilan ang muling pag ariba ng karera ni Megastar Sharon Cuneta simula ng siya ay magbalik sa Abscbn.

Mula sa kanyang pagiging Coach sa The Voice Kids, nasundan agad ito kamakailan ng isang bonggang concert na Sharon at the Solaire Theater, umani ito ng papuri at positibong feedback mula sa kanyang mga taga hangga na sadyang naka miss sa kanyang performance.

Sa Facebook post naman niya sa kanyang personal account nitong weekend, inihayag ni Megastar ang kanyang pasasalamat sa mga biyaya na talagang nakakapag paligaya sakanya ngayon at ito ay ang gawin ang kanyang hilig na makapag pasaya para sa kanyang mga taga hangga.

Bahagi ng Facebook post, inilahad din Megastar ang mga parating na proyekto na kanyang gagawin kabilang ang isang pelikula ng Star Cinema sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at isang album naman mula sa Star Records.

"On Friday I will have magkakasunod na meetings na -- with Star Cinema bosses, Direk Cathy Garcia Molina, etc. + Jonathan of Star Music for my album and I am excited about this because I think he's turning in na some song demos from several songwriters for my consideration. Pipili na baga ng isasali sa bagong album ko! I told him to please not put the names of the songwriters para sa kanta ko lang tala ibabase ang pagpili ko, right? "

Kasama din ng post ni Megastar ang kanyang pagkasabik sa kanyang pag babalik sa telebisyon para sa isang studio show, kuwento niya, sorpresa din daw itong ibinigay sakanya ng network na mapapanuod sa unang buwan 2017.

"Next, namimiss ko na ang ABS-CBN! As in taping sa studios!!! Hahaha! Sa December (laking gulat ko nung sinabi sa akin as usual pero masayang gulat hindi naman mala-The Conjuring) kung kailan halos dikit na sa pasko ang date ay taping na ng bagong show namin na di ko alam kailan ia-announce -- baka gugulatin din kayo (hindi rin Conjuring don't worry)! Airing ito ng first week yata ng January. Hindi ko alam kung may birthday show ako kasi parang baka hihilik na ako sa stage pag nakatulog sa pagod lalo pag kasabay na ng shooting ng movie (Uuuuyy...nakikita ko smiles niyo Sharonians ko! Kilig pa more eh pare-pareho naman tayong di alam sino ba talaga kuya ang leading man ko at pati kami sa Star yata ay medyo naguguluhan ng konti!)"

Ayon pa sa post ni Megastar, ang isa pa sa inaabangan niya at ng mga Sharonians ay kung sino ba talaga ang kanyang makakasama at magiging leading man sa kanyang pelikula.

"Basta me I'm waiting lang. Kahit si Bayani Agbayani pa ang leading man ko ang tuwa ko pa makashooting lang at isa pa yun - SHOOTING NA SHOOTING NA SHOOTING NA AKO! Gusto ko na pumunta sa set! Kaya lang mukha naman akong timang non kasi pagmimitingan pa lang ang storyline (though I have it na. Am sure there have been major revisions as is usual with movie projects.) kaya di ko pa alam saan ang location. Baka batukan ako ni Tita Malou at ni Direk. Hanggang ngayon kasi ako pa rin yung "nene" nila mula pa noon eh! Hahaha!"