Sarah Geronimo says she's 100 percent back to working again

The Popstar Royalty is ready for her next show titled "The Great Unknown Unplugged

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/3/2016 1:05 AM
Sarah Geronimo says she's 100 percent back to working again


110216-SarahGeronimo.jpgBack to work na ulit si Sarah Geronimo pagkatapos ng halos dalawang buwan niyang bakasyon na first time niyang ginawa sa mahigit isang dekada niyang career sa showbiz.

“Yes, 100% back na!” bulalas ng Popstar Royalty.

 “’Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ’yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ’yung kulang? 

 “And then I realized na you don’t work for other people to please them. ’Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ’yung ibinigay sa ’yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak,” excited niyang pahayag.

Patuloy pa ni Sarah,  “Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo.”
Magpo-focus muna ngayon sa pagkanta si Sarah pero meron ding pinag-iisipang pelikula.

“I’d like to focus more sa music ko at i-promote ’yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ’yung magagandang tracks dito sa latest album ko.

“Pitching pa lang ng new movie. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” kuwento pa niya.

Kapapanalo lang ni Sarah bilang Female Concert Performer of the Year sa Star Award for Music para sa kanyang all-original song concert na "From The Top" na ginanap sa Araneta Coliseum last year.

Samantala, habang pinaghahandaan ang kanyang major concert, magkakaroon muna si Sarah ng special show para sa album niyang "The Great Unknown" na katatapos lang mag-platinum. Titled Sarah Geronimo "The Great Unknown Unplugged," gaganapin ito sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8:00 p.m.

Matagal-tagal na rin ang last concert ni Sarah na "From the Top" sa Araneta Coliseum, December 2015 pa ’yun kaya sabik na ang fans na mapanood uli siya na humahataw sa entablado. Kaya kahit hindi major concert, todo naman ang ginagawang paghahanda ni Sarah dahil nasabik din siyang mag-perform para sa fans.