• Home
  • Fresh Scoops
  • Liz Alindogan finally has closure on controversial Vietnam Rose movie via Cinema One Originals

Liz Alindogan finally has closure on controversial Vietnam Rose movie via Cinema One Originals

Liz Alindogan’s film took almost 30 years to finish.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2016 8:47 AM
Liz Alindogan finally has closure on controversial Vietnam Rose movie via Cinema One Originals


110216-LizAlindogan_PUSH.jpgTaong 1986 pa nang simulang gawin ng dating sexy actress na si Liz Alindogan ang pelikulang Vietnam Rose under the direction of Celso Ad Castillo pero ngayong 2016 lang ito maipapalabas. Kung hindi pa dahil sa Cinema One Originals ay tuluyan nang matetengga sa baul ang pelikula na si Liz din ang producer.

Ayon sa kuwento ni Liz sa Push.com.ph, malaking pera ang nalugi niya habang ginagwa ang pelikula at inamin din niyang sumama ang loob niya kay Direk Celso na hindi ito natapos noon.

“Na-bankrupt talaga ako. Almost six months siyang ginagawa pero hindi nagsu-shoot. Alam mo naman si Direk Celso, yung moods niya, may mga ibang bagay na hindi ko naiintindihan that time kung bakit hindi siya nagsu-shoot. So ako, bigay lang ako nang bigay (ng pera), wala akong experience maging producer noon, eh,” kuwento ng former sexy actress.

Nalugi si Liz ng halos P5 million noong 1986. Malaking pera na nu’ng dekada 80.

“Tapos ang kinatatakutan ko noon yung meron akong utang, na hindi ko nabayaran ang mga artista.”

Paano siya nakabawi?

“Tinulungan ako ng pamilya ko, ng mga kapatid ko. Saka tinulungan ako ng isang tao (husband) na nandiyan sa akin hanggang ngayon at kasama ko. At siyempre, ako, tinulungan ko rin ang sarili ko na makabawi.

“Pero napakahirap ng struggle kasi ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong hindi… parang na-reach ko kasi yung pinaka-ceiling ng frustration, parang it’s a thin line between sanity and insanity. Umabot ako sa ganu’n,” pagre-recall ni Liz.

Pero kahit sobrang depress, hindi naman daw niya naisip mag-suicide.

“Hindi ko naman yon naisip. Kasi may fear ako parati, eh. May psychiatrist ako, so, hindi yon pumasok. Takot na takot ako actually na may mangyari sa akin, lahat takot, lahat fear.

“Pumunta sa buong pagkatao ko yung fear, fear akong makarinig ng boses ni Celso Ad. Fear na makita ko ang pelikula. Fear na makita ko ang mga taga-showbiz. Fear lahat. Two years akong may fear na ganu’n. Sobra.”

Pero napatawad na raw niya si Direk Celso sa nangayri.

“Napatawad ko si Celso. Sa tingin ko, nag-a-attempt siya na humingi ng tawad kaya lang hindi ko siya kayang harapin.

“Nagkaroon din ako noon ng panic attack lalo na nu’ng nakita ko siya sa Philippine Plaza. Nagtatatakbo ako. Hindi ko yon naiintindihan noong bata pa ako. Bakit nagpa-panic attack ako, wala namang ginawa sa akin yung tao, I mean physical,” sey pa niya.

Ayon pa sa kuwento ni Liz, si Maria Isabel Lopez ang kuminbinse sa kanya na tapusin ang Vietnam Rose.

“Hindi ko talaga ito nata-touch. Si Maria Isabel ang talagang nagpu-push sa akin na gawin natin ito para may closure na. Tapos hanggang sa nakita namin si Direk John Torres.”

People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose na base nga sa kuwento ni Liz ang title ng pelikula ni Direk John. Mapapanood ito simula November 14 hangang 22 sa Trinoma, Gateway, Greenhills at Cinematheque.