• Home
  • Fresh Scoops
  • GB Sampedro praises Vhong Navarro for his acting in ‘Mang Kepweng Returns’

GB Sampedro praises Vhong Navarro for his acting in ‘Mang Kepweng Returns’

Director GB Sampedro says they gave it their all for ‘Mang Kepweng Returns.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/2/2016 8:43 AM
GB Sampedro praises Vhong Navarro for his acting in ‘Mang Kepweng Returns’


110216-GbSampedro_PUSH.jpgExcited ngayon ang CINEKO productions at si Direk GB Sampedro para sa matagumpay na pakakagawa nila ng remake ng iconic role ni Chiquito na Mang Kepweng.

Finished at ready to be released na ang almost 20-million peso remake project kung saan starring si Vhong Navarro. Aniya, pormal at ipinasa na ng produksyon ang Mang Kepweng Returns para sa darating na taunang selebrayson ng Metro Manila Film Festival.

Kuwento naman ng direktor nito na si GB Sampedro, kinakabahan siya sa magiging desisyon ng mga jurors ng MMFF 2016 kung, mapapabilang ba ang kanilang entry na i-aanunsyo sa November 10 para sa listahan nga mga opisyal na kalahok ng Film Fest.

"Actually sobrang kinabahan kami noong una. Nag-start kasi kami ng production hindi pa kami gano kasigurado na matatapos namin ang pelikula, mahirap din kasi pagsasama samahin yung artista, lahat sila busy sa mga kanya-kanyang projects. Hindi mo din sigurado kung kakayananin tapos may horror-fantasy theme din yung sa atin medyo madugo din talaga sa graphics at editing," sabi ng director.

Kumpiyansa man sa kanyang naging trabaho, ayaw pa rin mag-sigurado ni Direk GB dahil alam niya, malalakas at malalaking pangalan ang kanyang pwedeng maging kasabayan sa pagpasa ng entry sa Film Fest.

"Kung confident? Ayaw kong mag assume kumbaga masasabi ko na binigay namin lahat. From pre-production palang binusisi na namin, pinaghusayan namin, pinagsamasamahan namin lahat para lumabas ng maayos. I'm proud kasi I worked sa kumbaga sa mga the best of the industry din kaya okay naman."

Samantala, pinapurihan naman ni Direk GB ang It's Showtime host na si Vhong Navarro para sa naging mahusay na pag ganap nito bilang si Mang Kepweng. Aniya, ibang Vhong ang mapapanuod nila sa kanilang pelikula.

"Revelation siya dito, ibang Vhong Navarro hindi lang siya puro patawa dito, maraming twist yung character niya kaya exciting kasi iba  yung makikita nila dito."

Sabi pa ni Direk GB, tiniyak niya pang buong pamilya ang mag eenjoy sa kalidad ng pag babalik ni Mang Kepweng na kanilang mapapanuod.

"We made sure na isa talaga tong pang pamilyang pelikula. Kumbaga hindi talaga limited yung market kaya talagang lahat ng manunuod ay talagang mag-eenjoy," pagtatapos ng direktor.