• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Angela Perez reveals struggles while shooting ‘Vietnam Rose’

EXCLUSIVE: Angela Perez reveals struggles while shooting ‘Vietnam Rose’

‘80s bombshells Angela Perez, Vida Verde, Daria Ramirez, Liz Alindogan gather for ‘Vietnam Rose’ gala

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2016 11:00 AM
EXCLUSIVE: Angela Perez reveals struggles while shooting ‘Vietnam Rose’


111916-AngelaPerez_PUSH.jpgDumating sa gala premiere ng Cinema One Originals Festival ang ilan sa mga sikat na sexy stars noong dekada 80 para panoorin ang controversial film na The Diary of Vietnam Rose na ginawa noong 1986 ni Direk Celso Ad Castillo pero hindi natapos.

Nag-iba man ang itsura nina Liz Alindogan, Vida Verde, Daria Ramirez at Angela Perez, bakas pa rin sa kanila ang kagandahan. Sina Vida, Daria at Angela ay nakasama ni Liz ng ilang buwan sa isang isla while filming The Diary of Vietnam Rose na kinumpleto ni Direk John Torres at ginawang documentary para maipalabas sa Cinema One Originals Festival.

Kasama din sa original cast ng pelikula sina Ronnie Lazaro at Rustica Carpio. Samantala, nakapanayam ng Push.com.ph si Angela Perez at ayon sa kanya, masaya siyang makitang muli ang mga dating kasamahan sa pelikula.

Pagre-recall pa niya, “Nasa isla kami noon. Wala kaming script. Kung ano lang ang maisip ni Direk Celso. Apat na buwan yata kami noon.”

Ayon pa sa kanya, bumalik sa ala-ala niya ang mga panahong maganda pa siya at super sexy. Pero mas natatandaan daw niya ang traumang dinanas ng co-actors niya.

“May mga trauma lahat yan. Kasi ako, hindi naman ako umabot dahil nasa ibang isla ako, pero sila na-hostage sila. Hindi sila makaalis sa isla kasi yung mga inuupahang bahay wala silang pambayad… kung anu-ano pang problema.

“Humiwalay ako ng bahay kasi wala nang pupuwestuhan, so nagre-rent ako ng isang kwarto sa ibang bahay, pero araw-araw naman nagbangka ulit ako papunta sa isla nina Liz. Para kaming mga ewan do’n. Wala kaming pagkain,” pagre-recall niya sa karanasan.

Naging in demand na leading lady noon si Angela. Her last film was Akyat Bahay Gang with Lito Lapid. Huminto siya sa showbiz noong nabuntis na siya at nagka-pamilya.

“Nagnegosyo na lang ako, nagpamilya na, dumami ang anak. Pero siyempre, nami-miss mo pa rin ang showbiz dahil masaya naman talaga tulad ngayon nagkita-kita kami, nagkukulitan kaming lahat. Kasi masaya yung samahan namin noon, eh.”

Ayon pa sa dating sex siren, hindi naman siya totally nawalan ng gana sa pag-aartista kaya lang, marami na raw siyang inasikaso noon.

“Paalis-alis din kasi ako ng bansa, puntang Amerka tapos balik dito. May mga offer din naman na lumabas sa teleserye, guesting, kaya lang minsan parang hindi na bagay sa edad ko… Kahit sa mga indie film may mga offer pero hindi na ako para magseksi-seksi uli.

“Priority ko siyempre ngayon yung family ko na. Apat na ang anak ko, malalaki na rin. Pero hindi na ako kasal. Diborsyada na ako. Fling-fling na lang para mas makarami,” pabiro niyang pagtatapos.