• Home
  • Fresh Scoops
  • Jonas Gaffud reveals details about Miss Universe 2016 pageant

Jonas Gaffud reveals details about Miss Universe 2016 pageant

Jonas Gaffud says there are several details still being worked out for the Muss Universe pageant in Manila.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/18/2016 8:43 AM
Jonas Gaffud reveals details about Miss Universe 2016 pageant


111816-JonasGaffud.jpgMasayang-masaya ngayon ang pageant mentor na si Jonas Gaffud para sa kumpirasyon ng Miss Universe Organization na dito na talaga sa bansa idaraos ang prestisyosong beauty pageant. Isa si Jonas sa tumatayong pinuno bilang creative consultant head ng Miss U na gaganapin sa bansa. Kung kaya para sa kanya, sulit ang lahat ng kanyang pinagpaguran sa pakikipag-meeting sa mga pinuno ng pageant.

"It's worth it kasi eight months ko to pinagpaguran e, sa tulong ni (Tourism) Undersecretary Kat de Castro para ma-meet yung mga kailangan i-meet, so ito yung mga bagay na pinaghihirapan pero hindi ina announced kasi hindi naman kailangan ilahad ang lahat ng mga bagay bagay."

Kuwento pa ni Jonas naging mahigpit ang naging proseso dahil sa may ilang mga bansa din sa Latin America ang intresado na sa kani-kanilang bansa idaos ang pageant, pero naging mas madali pa din ito dahil sa kagustuhan na rin ng MUO President Paula Shugart at ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach na sa Pilipinas ito idaos.

"Tatlo, pero hindi ko exactly pwede sabihin pero Latin American countries and Vegas. Number one is Pia really wanted it here, gusto din talaga ni Paola Shugart na dito sa Pilipinas gawin ang Miss Universe kasi nga because of the fans so parang tribute to the fans of Miss Universe."

Kuwento pa niya umugong din ang mga pangalan ng mga former Miss Universe queens na possible umano maging judge sa pageant pero ayon kay Jonas, walang pang confirmation ang mga ito. "There are no names yet, dun sa mga meetings namin wala pang na-disclose na mga names, pero alam naman na natin na si Steve Harvey ang mag-host, yun palang ang main na nakita ko the rest wala pa."

Bukod dito inaabangan din ang mga international performers na mag perform sa coronation night pero ayon kay Jonas wala pang final confirmation ukol dito.

"Maraming line up na kinukuhang international superstars, ganun naman kasi ang Miss Universe. Siguro may mga names na lumalabas ay wala pang definite na confirmation."

Sa huli, umaasa si Jonas na magiging maganda at maayos ang pagdiriwang ng Miss Universe sa Pilipinas at magiging iba ito sa mga naunang pagdiriwang sa bansa. "I think we will make it the best Miss Universe ever, not only versus the previous Miss Universe that we did here in the country, but we will do a lot of projects that make it different," pagtatapos niya.