• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kiko Matos reacts to alleged scripted confrontations with Baron Geisler

EXCLUSIVE: Kiko Matos reacts to alleged scripted confrontations with Baron Geisler

Kiko Matos admits they are doing something to answer allegations that his fight with Baron Geisler was staged.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2016 8:44 AM
EXCLUSIVE: Kiko Matos reacts to alleged scripted confrontations with Baron Geisler


111816-KikoMatos.jpgMay reaksyon si Kiko Matos sa sinasabi ng netizens at ng mga tao na “fake” at “scripted” ang mga sapakan at confrontations nila ni Baron Geisler na nauwi pa sa labanan inside the ring. Part lang daw kasi ito ng isang social experiment.

“Meron kaming niluluto ni Baron na sasagot sa lahat ng tanong kung fake o scripted ba yung ginawa namin. Ilalabas namin yon very soon para rin masagot ang mga tanong ng tao. Kaya lang, ngayon, masyado pang maaga para magsalita,” biting pahayag ni Kiko.

Handa ba siya sa magiging reaksyon ng tao kapag sinabing manloloko sila ni Baron?

“Wala naman akong inaaming acting lang lahat ng yon. Basta, they will find out soon,” paiwas niyang pahayag.

Samantala, pagkatapos daw ng mga nangyari sa kanila ni Baron, mas naintindihan niya ang actor.

“Well, si Baron, mabait naman, eh. Although maraming shortcomings in the past, lahat naman tayo meron tayong pagkukulang. Nung kaputukan nu’ng isyu namin, kami yung nagkakaintindihan, eh.

“Lahat ng tao against us. Hindi nga kami nag-uusap nung mga panahon na yon pero yung mga pinagdadaanan niya, pinagdadaanan ko rin. Hanggang sa natapos na yung laban namin sa ring kami yung naging mag-best friend,” kuwento niya.

Katulad ni Baron, marami rin daw siyang itinatagong lihim sa kanyang pagkatao.

“Ako naman kasi, meron din akong mga sikreto o mga personal na bahagi ng buhay ko na kapag ibinunyag ko… iisipin ng tao… huhusgahan ako kaagad pero hindi naman nila alam yung totoo.

“Akala nga nila basagulero ako, maangas ako. Pero kung tutuusin naman, kahit sino puwede akong lapitan, puwede akong makausap dahil hindi naman ako suplado.

“So ganun din kay Baron, naiintindihan ko yon lalo na nasa showbiz tayo, eh. Si Baron, nung bata pa lang siya, yung tao may kanya-kanyang tingin kung sino si Baron Geisler. Hindi ko nilalagay sa isip ko yon kung ano ba ang dapat tingin ko sa kanya lalo na hindi ko pa siya kilala noon. Ngayong mas nakilala ko siyang lalo, mas naintindihan ko siya,” paliwanag pa ni Kiko.

Inamin din ni Kiko na KSP (kulang sa pansin) ang tingin niya kay Baron.

“Ang tingin ko kay Baron, kailangan lang niya talaga ng kaibigang maiintindihan siya. KSP (kulang sa pansin) kasi siya… parang ganu’n siya, eh. Siguro naghahanap siya ng pansin. Tapos kailangan niya ng taong makakaintindi sa kanya.”

Ngayon ay best friend na raw sila ni Baron.

“Hanggang sa bahay namin (sa Cubao) nagkakasama kami ni Baron. Yung Pen Pineapple video namin do’n yon sa bahay (kinunan). Tapos minsan nagkakainuman kami. Best friend na kami,” sambit pa niya.

Samantala, hindi na matandaan ni Kiko kung pang-ilang indie film na niya ang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Cong. Alfred Vargas at ididirek ni Perry Escano.

“Siguro pang 17 to 20 ko na to. Hindi ko binibilang, eh. Gawa lang ako nang gawa,” natatawa niyang pagtatapos.