• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban open to possibility of working with Marian Rivera

Angelica Panganiban open to possibility of working with Marian Rivera

Angelica Panganiban is also grateful for the 17M opening day of ‘The Unmarried Wife.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2016 8:47 AM
Angelica Panganiban open to possibility of working with Marian Rivera


111816-AngelicaPanganiban.jpgMasayang-masaya ang Banana Sundae cast member na si Angelica Panganiban na nagdiriwang sila ng ika-walong taong anibersaryo ng pagbibigay saya at ligaya sa kanilang mga taga subaybay linggo-linggo.

Nakapanayam ng Push.com si Angelica sa backstage ng rehearsal para sa gaganaping anniversary concert. Dito ibinahagi niya ang nararamdaman para sa tagumpay na naabot ng gag show.

"Masaya kasi hindi namin inisip na aabot kami sa ganitong kahaba ng samahan at patagal ng patagal patuloy din ang pagdami ng taong naniniwala sa amin, so masayang masaya kami."

Masaya din si Angelica para sa magandang balitang kumita na ng 17 million ang kanilang pelikula na The Unmarried Wife sa unang araw ng pagbubukas nito.

"Masaya din siyempre, hindi din namin expected yung mga mangyayari kaya maraming salamat sa mga nanuod at manunuod palang."

Naibahagi din ni Angelica ang pagkikita nila ng kanyang kaibigan na si Marian Rivera na present sa premiere night para suportahan ang asawa nitong si Dingdong Dantes na kasama ni Angelica sa pelikula.

"Nagtanong lang siya kung natanggap ko yung flowers at sulat na binigay niya sa akin. Ayun masaya ako kasi pumapayag si Marian na makatrabaho ko ang mahal na mahal niyang asawa na si kuya Dong sa pangatlong pagkakataon. Sobrang thankful ako kasi naging kaibigan ko siya," kuwento pa ng aktres.

Sabi pa ni Angelica open din daw siya sa mga posibilad kung sakaling magkaroon ng pagkakataon na mag ka trabaho sila ni Marian sa isang proyekto.

"Oo lagi naman kami magka-text sinasabi ko nga na sawa nako makatrabaho yung asawa niya sana siya naman," pagtatapos ng aktres.