• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 MMFF Selection Committee believes that the eight official entries will bring change

2016 MMFF Selection Committee believes that the eight official entries will bring change

The committee explains there was a quick consensus among them as to what films will be shown this December.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/19/2016 12:48 AM
2016 MMFF Selection Committee believes that the eight official entries will bring change


111816-MMFF3.jpgMatapos ang kontrobersyal na announcement ng eight official entries para sa 2016 Metro Manila Film Festival main stream movies category, agad na humarap sa isang media conference ang selection committee ng MMFF na binubuo nina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Allan Alanigue, Lawrence Fajardo, Krip Yuson, Dr Nicanor Tiongson, Mae Paner, Crispina Belen at Ping Medina para sagutin ang mga katanungan ng media.

Ayon kay Dr Nick Tiongson, iisa ang naging hangarin nila na mailagay ang mga pelikulang de kalidad bilang official entry para sa MMFF.

"After watching all the movies at inilagay na namin ang scores, nakita na may concensus kaagad sa eight na iyon at napakadali ng naging proseso."

Para naman kay Mae Paner, mensahe at laman ng pelikula ang una nilang tiningnan at di ang mga artista na bida sa pelikula na kanilang pini-preview.

"Ang inuna talaga namin ay iyung kalidad ng pelikula hindi sa kung sino ang bida o malaking pangalan ang bida sa pelikula."

Malinaw din ang bagong vision ng MMFF na itaas ang kalidad ng mga pelikula na mapapanood simula ngayong taon ayon kay Krip Yuson.

"Naipaliwanag sa amin ng Executive Committee ng MMFF at sa mga taon na darating pa ang vision nila sa kung anong klase ng mga pelikula ang papasok sa festival."

Malutong na one liner naman ang binitiwan ng veteran na kolumnistang si Crispina Belen sa katanungan na malamang na kaunti lang ang manonood ng mga pelikula ng MMFF ngayong taon.

"It’s their loss if they don’t go and see the movies."

Magaganap ang annual parade of stars ng MMFF sa December23 at mapapanood ang mga pelikula simula December 25 hanggang January 7.