• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla defends Duterte’s decision to grant him clemency: ‘Walang nilabag ang pangulo’

Robin Padilla defends Duterte’s decision to grant him clemency: ‘Walang nilabag ang pangulo’

Robin Padilla reveals how he was treated by past administrations.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/18/2016 12:27 AM
Robin Padilla defends Duterte’s decision to grant him clemency: ‘Walang nilabag ang pangulo’


111716-RobinPadilla_PUSH.jpgAfter receiving absolute pardon from the president, Robin Padilla admitted he does not mind if the public will have different opinions about the issue. Robin was finally restored his full civil and political rights after 22 years. "Karapatan naman ng mga kababayan natin yan na magbigay ng kanya kanyang opinion. Ang gusto ko lamang ipaliwanag sa inyo, unang punto binayaran ko ang kasalanan ko sa Bilibid. Marami diyan na nasa gobyerno pa hanggang ngayon na hindi naman nagbayad ng kanilang mga kasalanan. Nabigyan lang ng amnesty. Ako hindi, binayaran ko tatlo’t kalahating taon. Wala akong pinatay, wala akong hinostage. Sa bibig ng ating mahal na pangulo, sino ang nakalaban ko? Bakal. At wala akong pinaggamitan ng bakal na yan. Sa tatlong taon at kalahati ko sa loob at magmula noon 22 years yun wala naman akong naging kaso na ako may inapi, na ako’y may tinutukan ng baril, na ako’y may sinapok. Wala akong naging kriminal na naging kaso,” he shared during a pocket presscon held last November 16 in Quezon City.

Robin also wanted to clarify other legal issues hurled at him through the years. "Nagkaroon man ako ng mga kaso tulad sa condom, nagkaroon ako ng kasong condom dahil isinusulong ko ang family planning. Nagkaroon ako sa building permit dahil nagpagawa ako ng eskuwelahan. Iniimbestigahan ako sa building permit ngayon dahil nagpagawa ako ng housing. Wala akong inaping tao. Kung ako man ay nabigyan ng absolute pardon, siguro yun ang sinasabi kasi ng batas. Meron tayong batas na nagsasabi na ang tao na nakulong ay may karapatan na humingi ng absolute pardon at mga mahal kong kababayan, kahit ako may karapatan nun hindi ko ito hiningi. Meron lang mga taong nagmamahal sa akin at nakaka-apekto sa trabaho ko kaya ito ifinile. Nakalimutan ko na ito. Handa na ako harapin ang lahat ng panghihiya sa akin sa mga embassy, sa mga airport. Medyo minsan pag-kumukuha ka katulad ng baril, mahihiya ka dahil hindi ka bibigyan dahil ex-convict ka. Sa NBI hindi mo makukuha kagad kasi i-chi-check pa sa main office. Lahat ng kahihiyan na yun dinaanan ko. At handa ko yun harapin pa kung kinakailangan. Pero ito binigay na sa akin ng Panginoong Diyos,” he explained.

After going through several administrations, Robin shared how he gave support to different leaders. "Ilang pangulo ang dumaan, kung saan saan ako inutusan ng mga pangulo na ito. Si FVR (Fidel V. Ramos) maraming salamat pinalaya niya ako. Pero sa ginawa ko sa Bilibid dapat doon pa lang sa tinanim ko sa Bilibid. Panahon ni presidente Erap (Joseph Estrada) inutusan nila ako sa Abu Sayyaf. Sumagip ako ng mga bata dun at meron pa tayong mga kapatid na reporter na na-hold dun. Buhay sila hanggang ngayon. Nagpaiwan ako dun. Lahat sila bumaba. Hindi naman ako humingi. Panahon ni GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) ilang beses ako nasa Mindanao kasama si (Press) secretary Dureza pero hindi ako humingi niyan. Wala. Panahon ni PNoy kasama ko si Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw, puwedeng puwede ko na sabihin, ‘Bigyan niyo naman ako’ pero hindi. Hindi ko kailanman hiningi yun,” he recalled.

For those who might criticize Duterte for giving him executive clemency, Robin said he is grateful for the second chance. “Mahal na pangulo, kayo ay bayani hindi lamang ng sambayanang Pilipino kundi sa katulad ko na humihingi ng second chance, mga katulad naming ex-convict. Naniniwala kami mahal naming pangulo na ang lahat ng karapatan ng mga Pilipino ay inyong pino-proteksyunan. Maraming salamat sa absolute pardon.

Walang nilabag ang pangulo ng Pilipinas dito. At katulad ng sinabi niya, meron pang susunod na mga mabibigyan din ng pardon. At ano ba ang gusto natin? Hindi na bigyan ng pagkakaton pa ang mga ex-convict? Anong ba talaga? Saan ba tayo lalagay? Pagka hinuhuli ang mga kriminal, sasabihin natin extra-judicial killing. Kapag binigyan naman ng karapatan, ng pag-asa ang mga katulad namin na ex-convict na nagkamail, meron pa ring problema. Eh saan ba tayo sala sa init sala sa lamig?” he said.

To his loyal fans and followers, Robin also gave a message showing how happy he was with his life right now. "Sa lahat ng mga bumasag isip, mas marami yung mga kababayan natin na nakakaintindi sa gulong ng buhay. Ito yung buhay na continuous ang tinatawag natin na pakikibaka. Nagpapasalamat ako sa inyo at kasama ko kayo sa journey ng bad boy na kinulong at ngayon ay isa ng bagong ama at nagpupumilit pong magpakabait ay nabibigyan niyo ng pagkakataon at pahina sa inyong mga puso,” he added.