• Home
  • Fresh Scoops
  • Prince Stefan apologizes to Aljur Abrenica for comments on his ‘manhood’

Prince Stefan apologizes to Aljur Abrenica for comments on his ‘manhood’

Prince Stefan made a comment about Aljur Abrenica’s private parts during an interview.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/17/2016 9:46 AM
Prince Stefan apologizes to Aljur Abrenica for comments on his ‘manhood’


111716-PrinceStefan_PUSH.jpgLumikha ng isyu ang interbyu ni Mo Twister kay Prince Stefan sa Good Times With DJ Mo Twister after niyang i-describe ang size ng private part ni Aljur Abrenica.

In that particular interview ni DJ Mo ay naikuwento ni Prince na minsan daw ay nagkasama sila sa isang hotel room ni Aljur sa Bohol while having an out of town engagement. Hindi pa out as gay noon si Prince.

Ayon pa sa isa sa mga bida ng Working Beks, nasa bathtub daw sila habang nilandi-landi niya si Aljur na ang alam sa kanya that time ay lalaki pa. Nang mahalata raw ng aktor, tumayo na raw ito at umahon na. Nagpalipat na rin daw ito ng ibang room.

Sa tanong ni DJ Mo kung malaki ba ang “size” ni Aljur ang sagot ni Prince, “hindi masyado.”

After that interview, kumalat na sa showbiz na “small” ang size ni Aljur.

During the presscon of Working Beks, binanggit ni Prine na nag-apologize na siya kay Aljur.

“Nag-sorry na ako sa kanya, nagbigay pa ako ng cake,” sabi pa niya.

“Sana, hindi ko na lang sinabi. May nakarating sa akin na sana, hindi na nakarating sa ganu’ng level na i-explain ko pa kung ano’ng size ng kanya. ’Yung part na ’yun, medyo mali ako du’n. Dapat ’di ko na...

“Kasi, si Mo naman kasi ang nagtanong, eh. Out of nowhere. ‘Malaki ba? Malaki ba?’ Sabi ko, ‘hindi masyado.’ ’Yun ang sinabi ko. Wala akong sinabing ‘maliit.’”

Dedma naman daw sa text niya si Aljur at wala itong reply.

I’m sure, hindi naman siya super-galit. Light lang ’yun,” hirit pa niya.

Samantala, nu’ng hindi pa out na gay si Prince ay nagkaroon din pala siya ng mga girlfriends na siyempre, na-shock sa bigla niyang pag-amin.

“Mahirap kasi talaga kapag pinigil mo yung tunay mong nararamdaman at kapag puro ka pagkukunwari, eh. At least, ngayon alam na nila. Puwede na kaming magkulutan (ng hair),” biro pa niya.

So far, gusto raw muna niyang i-enjoy ang kanyang bagong mundo.

“Masarap maging malaya at lumipad. Hahaha! I love it and I’m very happy. Sana masaya rin sila for me,” pagtatapos ni Prince.