• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy Boyband Superstar Mico Juarez pays tribute to Henz Villaraiz

Pinoy Boyband Superstar Mico Juarez pays tribute to Henz Villaraiz

Mico Juarez says he knows the reason he was eliminated from the competition.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/17/2016 9:37 AM
Pinoy Boyband Superstar Mico Juarez pays tribute to Henz Villaraiz


111716-MicoJuarez_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, alam diuamano ni Mico Juarez kung bakit siya natanggal sa Pinoy Boyband Superstar. Aniya, “Nawala po ako sa focus at yung mga kalaban ko nung time na yun ang galing po talaga nila.”

Sumali rin siya sa naturang kompetisyon dahil gusto niyang matulungan ang mom niya na nasa Canada. “I want to help my mom kasi may scoliosis po siya and I don't want her to work anymore.”

Napansin rin ng host na si Boy Abunda na may suot na bandana si Mico sa kanyang hita. Paliwanag ni Mico, tribute niya ito para kay Henz Villaraiz na kasama niya sa kompetisyon. “Sa top 12 isa lang pong tao ang nagbabanda po. I just want to show love to Henz dahil naririnig ko ang daming bad comments about him.” 

Pinaliwanag din niya na kaya niya ito ginagawa ay dahil “sobrang mabait” na kaibigan si Henz.