• Home
  • Fresh Scoops
  • Former actress and TV host Marissa Del Mar wants to make a showbiz comeback

Former actress and TV host Marissa Del Mar wants to make a showbiz comeback

‘80s actress Marissa del Mar wants to work with some kapamilya stars

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/17/2016 9:39 AM
Former actress and TV host Marissa Del Mar wants to make a showbiz comeback


111716-MarissaDelMar_PUSH.jpgNagbabalik sa limelight ang 1980s aktres at TV host na si Marissa del Mar bilang brand ambassador ng imported beauty products na Black Pearl Prestige.

Hindi man gaanong aktibo sa showbiz, kilala at aktibo pa rin si Marissa sa mga gawaing pang pamahalaan na naglalayong tumutulong sa mga kapwa pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Kung kaya bilang isang advocate sa pagtulong sa mga OFWs, nagbahagi ng kuwento si Marissa tungkol sa mga natatanggap niyang hinaing ng mga pinoy tungkol sa maaring mangyari sa kanila sa America sa pag-upo ng kanilang bagong pangulo na si Donald Trump.

"Marami talaga ang natatakot, kasi ninenerbyos na ang ating mga kababayang Fil-Am nang dahil nga sa bagong policy ni President Elect Donald Trump. Kasi di ba aalisin na yung mga undocumented at illegal alien na nasa States? Ako bilang maliit na boses ng mga kababayan natin sa ating programa, umaasa pa din ako ng maganda at maayos na transition ng powers sa America dahil marami talagang mga pinoy ang luluha kung sakaling matutuloy talaga ang plano ng administrasyon ni Trump," kuwento ni Marissa.

Bukod sa adbokasiyang paglilingkod sa mga OFW, aminado si Marissa na namimis niya ang showbiz, aniya hanggad niya na makasama at makatrabaho ang ilan sa mga bago at primyadong artista ng kapamilya network.

"I miss showbiz, I miss the loving people, at siyempre fan pa din naman ako kahit ng mga bagong artist natin na gaya ni Coco Martin, Angel Locsin and Bea Alonzo and I'm hoping someday given a chance, nagkaroon ng pagkakataon na makasama ko sila," masayang kuwento ni Marissa.

Dagdag pa niya, kung papalarin na magkaroon ng trabaho sa showbiz, handa siyang bigyan ito ng oras at pansamantalang huminga sa pagnenegosyo. "If the role is really good and fit for me talaga na you cannot say no, siguro kahit na magbakasyon pa ako at tumutok ulit sa mga adbokasiya natin and business, I’ll really find time," pagtatapos ni Marissa.