• Home
  • Fresh Scoops
  • Sancho delas Alas reacts to possible double wedding with mom Ai-Ai and fiancé

Sancho delas Alas reacts to possible double wedding with mom Ai-Ai and fiancé

Sancho delas Alas also talks about moving on after his girlfriend’s miscarriage.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2016 9:06 AM
Sancho delas Alas reacts to possible double wedding with mom Ai-Ai and fiancé


111616-SanchoDeLasAlas_PUSH.jpgMaganda ang relasyon ng anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho sa boyfriend nitong si Gerald Sibayan. Ito mismo ang kinumpirma ni Sancho ng makausap siya ng Push.com.ph.

Madalas din daw silang magkasamang nagpa-firing ng future stepfather at hindi rin siya against kung saka-sakaling pakakasalan ng Mommy Ai-Ai niya si Gerald.

Actually, napag-usapan na namin ito and I’m not against it. Kumbaga, given the chance, kung magpapakasal talaga sila ni kumpadre, pakasal po sila,” sey pa niya.

Hindi pa naman daw nagbibigay ng date si Ai-Ai kung kelan sila magpapakasal ng boyfriend.

“Wala pa naman po siyang nabanggit sa akin na exact date, pero napag-uusapan naman po namin. Kasi si Gerald din po mismo, gusto niya rin, eh. And ako, para sa akin, magandang bagay yon na gusto ni Gerald na pakasalan ang mommy ko.”

Totoo bang may plano silang mag-double wedding?

“Naku, hindi po… hindi. Hindi po talaga. Mauuna po siguro sila kung saka-sakali. Sila muna po bago kami,” paglilinaw niya.

Samantala, naikuwento rin ng anak ni Ai-Ai na naka-move-on na sila sa miscarriage na nangyari sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Ngayon, medyo okey naman na po. Medyo nakakalungkot po yung nangyari pero siyempre, we have to move on. Sa ngayon, ini-enjoy ko po muna yung kami saka yung family, family time muna, ganyan,” sabi pa niya.

Sobrang ikinalungkot din daw ni Ai-Ai ang pagkawala ng magiging unang apo sana niya.

“Nalungkot po siya, super. Kasi siyempre, lahat po kami excited. Ako, excited akong maging daddy. Excited siyang maging lola and siyempre excited ding maging mommy yung girlfriend ko, so parang… lahat kami inaantay namin yon tapos biglang nawala, so lahat nalungkot.

“Sabi ko, baka hindi pa talaga ito yung time for us na magka-baby, so sabi ko, ipon muna. Ngayon paghahandaan ko na yung magiging baby namin,” kuwento niya.

Eh, kailan naman sila magpapakasal ng girlfriend?

“Napag-usapan naman po namin yon. Plano naman din talaga namin na magpakasal kaso hindi po muna sa ngayon. Masyado pa pong maaga.

“Nung nagka-baby, parang nagkaroon ng konting pressure, parang kailangan namin na… para maging legit yung bata. Dapat ikakasal na kami noon pa, kasi yon nga, hindi natuloy yung baby. So ngayon, pinag-uusapan na dahan-dahan muna ulit. Start kami, ipon-ipon muna ulit hangang sa puwede ng magkaroon,” pagtatapos ni Sancho.