• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera attends ‘The Unmarried Wife’ premiere to support husband Dingdong Dantes

Marian Rivera attends ‘The Unmarried Wife’ premiere to support husband Dingdong Dantes

Marian Rivera says she also wanted to support Angelica Panganiban.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/16/2016 9:13 AM
Marian Rivera attends ‘The Unmarried Wife’ premiere to support husband Dingdong Dantes


111616-MarianRivera_PUSHMAIN.jpgStand out ng rumampa si Marian Rivera sa premiere night ng The Unmarried Wife ng Star Cinema kung saan isa sa mga bida ang kanyang asawa na si Dingdong Dantes. Suot ang black floral dress na gawa ng Portuguese designer na si João Rõlo, agaw-pansin ang beauty ni Marian na inabangan talaga ng mga fans sa kapamilya event.

Abala man sa kanyang mga commitments, kuwento ni Marian hinding-hindi daw niya palalagpasin ang pagkakataong ito para suportahan ang kanyang mahal na asawa sa mga ginagawang proyekto nito.

"Of course. Siyempre sabi ko nga kahit na sandaling pagkakataon lang andito ako to support yung asawa ko, and at the same time kaibigan ko din si Angelica (Panganiban)."

Bukod sa suporta sa kanyang asawa, present din siya para suportahan din ang kanyang kaibigan na si Angelica Panganiban na kasama ni Dingdong sa pelikula. Aniya, ito na ang tamang pagkakataon para maisakatuparan ang mga naudlot nilang pagkikita dapat ni Ange.

"Oo kasi magkatext kami noon, sabi nga 'o bakla kailan ka ba pupunta?' Hanggang sa hindi na nga ako nakapunta kasi andami ko din ginagawa. Sabi ko nga time ko palang kay Baby Zia kulang na kulang na e, kaya andito na ako ngayon ito nagpakita na ako, nagtext nga ako sabi ko 'saan ka na bakla?'” kuwento ni Marian.

Dito naibahagi na din ni Marian ang kanyang naging reaksyon sa paghingi ng sorry ni Angelica sa kanya sa mga nagawa niyang pananampal sa asawa niyang si Dingdong, aniya wala dapat ihingi ng tawad si Ange dito dahil normal ito sa kanilang trabaho.

"Oo nag-text siya sakin sabi niya 'Mars kawawa sa akin yung asawa mo.' Sabi ko bakit, 'Andami niyang sampal sa akin.' Sabi ko, 'okay lang yan lalaki naman yan, mas matakot siya kung ako na ang sasampal sa kanya," Masayang pagtatapos ni Marian.