• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla receives an executive clemency from President Rodrigo Duterte

Robin Padilla receives an executive clemency from President Rodrigo Duterte

The action star can now freely apply for a US visa to see his wife Mariel Rodriguez and their newborn baby Isabella

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/16/2016 2:04 AM
Robin Padilla receives an executive clemency from President Rodrigo Duterte


111516-RobinPadilla_PUSH.jpgBiniyayaan ni President Rodrigo Duterte si Robin Padilla ng executive clemency nitong Martes ng gabi, November 15.

"I just granted the pardon in favor of Robin Padilla kasi 'yung original pardon niya hindi sinali 'yung full restoration [of] political and civil rights, therefore he could not travel, could not get a permit to possess a gun again," ani Duterte sa mga journalists.

Bago mangyari ito, nag courtesy call ang action star sa presidente at saka niya ito binigyan ng executive clemency, isang kapangyarihan ng pangulong bawasan ang sentensya ng isang kriminal.

Naaresto si Padilla noong 1994 dahil sa illegal possession of firearms. Noong 1998 naman ay binigyan siya ng pardon ni dating Presidente Fidel Ramos ngunit hindi naibalik ang kanyang civil at political rights.

“Alam mo 'yung crime na 'yan walang nasaktan. Yung mahuli sila, wala silang sinaksakan, wala silang binaril," sabi ng Pangulo sa kaso ng aktor.

He has suffered enough I think," dagdag pa niya. Halos maluha raw si Padilla nang malamang mabibigyan ulit siya ng pardon dahil mapapadali na ang kanyang pag-apply ng US visa upang makapiling ang bagong panganak niyang asawa na si Mariel Rodriguez at ang kanyang bagong silang na baby na si Isabella.

Read: Mariel Rodriguez gives birth after 21 hours of labor