• Home
  • Fresh Scoops
  • Pageant Mentor Jonas Gaffud wants a worthy reign for Miss International 2016 Kylie Verzosa

Pageant Mentor Jonas Gaffud wants a worthy reign for Miss International 2016 Kylie Verzosa

Pageant Mentor Jonas Gaffud reveals their plans to help Miss International Kylie Verzosa with her reign.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/15/2016 9:29 AM
Pageant Mentor Jonas Gaffud wants a worthy reign for Miss International 2016 Kylie Verzosa


111516-KylieVerzosa_PUSH.jpgItinuturing na achievement ng kilalang pageant expert at mentor na si Jonas Gaffud ang pagkapanalo ng kanyang mga alaga sa mga prominente at prestigious beauty pageant magmula International, World hanggang Universe.

Kung kaya kabilang si Jonas sa mga nakisaya para sa pagkapanalo ng kanyang alaga na si Kylie Verzosa sa Miss International 2016 na ginanap sa Tokyo, Japan.

Pag babahagi ni Jonas hangad niya at ng kanyang organisasyong Aces & Queens ang maganda at makabuluhang reign para sa kanyang alaga na si Kylie sa pagkakasungkit nito ng korona sa Miss International.

"I hope she can be the best Miss International ever, yun ang plano namin. We wanted to work with a lot of charitable organizations at paiingayin namin yung pagiging Miss International niya, dahil sa Q and A na sinabi niya about sa Miss International understanding so gusto namin na bigyan siya ng magandang reign."

Sabi pa ni Jonas bilang beauty queen maker sinisgurado niya at ng kanyang grupo ang worth ng bawat Filipina na nag wawagi sa iba't ibang pageant kung saan sila nagwawagi.

"Kami kasi sa Aces & Queens e gusto namin ang Filipino winners natin dapat mayroon silang saysay kahit na sabihin natin na beauty pageant lang ito gusto namin na worthy sila with the crowns at may gagawin sila buong year nila," pagtatapos ni Jonas.